Inalmahan ni Kim Chiu ang matinding pambabatikos na natatanggap niya sa kanyang personal Twitter account.
Sa kanyang post noong Martes, Setyembre 20, sinabi ni Kim na mayroong 100 Twitter users na panay ang batikos sa kanya.
why is it that some people,spend a lot of time,para mangbash?gagawa ng twitter acct not one but i think 100 accts na sya,sayang oras nyo po.
— kim chiu (@prinsesachinita) September 20, 2016
Ni-repost din ng Kapamilya actress ang ilan sa mensahe ng kanyang fans na nananatiling buo ang suporta sa kanya.
@prinsesachinita some people feel a sense of power when they bash celebrities...makes them feel significant. In truth, they're just lonely
— formerparasol (@weltenschauung) September 20, 2016
naku!!???? RT @RUTHenium30: Bes bigyan mo po ng Goya chocolate yung mga nang aaway sayo haha @prinsesachinita ????????
— kim chiu (@prinsesachinita) September 18, 2016
Base sa Twitter posts ng ibang tagasuporta ni Kim, may bashers ang aktres na binigyan ng kulay ang espekulasyong nakatakda siyang magkaroon ng reunion project kasama si Gerald Anderson.

Ngunit sa panayam ng ABS-CBN News noong Setyembre 15, iginiit ni Kim na walang katotohanan ang balitang magbabalik-tambalan sila ni Gerald.
Paglilinaw ni Kim, “Hindi ko nga po alam kung saan galing yun, e.
“Kung sinu-sino na lang po, bina-bash na lang ako. Pero wala pa pong ganun.”
