PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bianca Umali and Miguel Tanfelix relationship still a question mark

Bianca on Miguel: May understanding, pero di ko po alam kung mutual.
by James Patrick Anarcon
Published Sep 22, 2016
According to Bianca Umali and Miguel Tanfelix, they don't want to label their relationship as of the moment, but they are happy with each other.

Apat na taon na ang love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, kaya naman masasabing mas matatag na ang kanilang samahan ngayon.

Taong 2012 nang unang nagkapareha ang dalawa sa Paroa: Kuwento ni Mariposa; dito rin nabuo ang tambalang BiGuel.

Subalit ayon kay Miguel, pitong taon na silang magkakilala ni Bianca.

Saad niya, “Seven years po kami magkakilala sa GMA, tapos yung work po namin, nag-start kami [sa] Paroa, four years pa lang.”

Sa press conference ng kanilang bagong show na URL: Usapang Real Love kanina, September 21, tinanong ang dalawa kung ano na ba talaga ang namamagitan sa kanila.

Sagot ni Miguel, “Sabi ko kay Bianca, wala pong label, basta masaya po kami kung anong meron po kami ngayon.

“Hindi po natin masasabi as lovers, pero masasasabi ko po na mas matatag po yung relasyon namin ni Bianca kaysa bilang magkaibigan po.”

Nilinaw naman ni Miguel kung ano ang sinasabi niyang mas matatag kaysa bilang magkaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Itinuturing ko po siyang more than a friend po talaga, kasi maaasahan ko po siya sa lahat ng bagay.”

Ayon naman kay Bianca, hindi talaga sila nagliligawan ni Miguel.

“Hindi po. Dati po, hindi naman po kami, pero sa ngayon po, priority muna is family, career, and studies.”

Natanong naman ang dalawa kung sila ba ay mayroon nang M.U. o mutual understanding.

Sagot ni Miguel, “Nagkakaunawaan po kami sa lahat ng bagay.”

Natatawang biro naman ni Bianca, “May understanding pero di ko po alam kung mutual.”

Sa ngayon ay abala ang dalawa sa pagpu-promote ng URL: Usapang Real Love, na magsisimulang umere ngayong Linggo, September 25.

Sila ang bida sa unang handog nito na Dream Date kung saan makakasama nila si Jak Roberto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to Bianca Umali and Miguel Tanfelix, they don't want to label their relationship as of the moment, but they are happy with each other.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results