PEP EXCLUSIVE. Francine Prieto opens up about wedding to American BF in Italy

by Nerisa Almo
Sep 22, 2016
Francine Prieto is very happy about marrying non-showbiz American fiance, "Kasi matagal ko na wini-wish na magkaroon ako ng katuwang sa buhay."

"Masayang, masayang, masaya."

Ito raw ang pakiramdam ngayon ng aktres na si Francine Prieto tungkol sa pagpapakasal niya sa kanyang American fiance na si Frank Shotkoski.

Ginanap ang kanilang kasal nitong Miyerkules ng gabi, September 21 (Italy time), sa Casa Mariantonia, sa Capri, Italy.

Sandaling nakausap ng associate editor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Rommel Llanes si Francine sa pamamagitan ng Facebook messenger kanina.

Dito ay ibinahagi niya kung paano nila napagdesisyunang magpakasal sa napakagandang lugar ng Capri, Italy.

Sabi ng 34-year-old actress, "Nang ma-engaged kami last October 2015, ang plano namin magpakasal outside of the Philippines na masaya at magandang lugar."

Talaga raw piniling magpakasal sa ibang bansa, "Kasi nga walang divorce dito... just in case lang na di kami magkasundo sa future, di na traumatic for us ang paghiwalay.

"So, ang choices ay Italy, France or Spain."

Kuwento pa ni Francine, "I attended an event ng The Italian Chamber of Commerce in the Philippines, nanalo ako at friend ko ng free air ticket to Italy.

Continue reading below ↓

"So, parang naging sign siya na sa Italy na lang kami magpakasal.

"Also, nasa bucket list ni Frank ang Capri since he was 14."

Sa kanyang parte, tila wish come true naman para kay Francine ang pagpapakasal nila ni Frank.

Sabi niya sa PEP, "Kasi matagal ko na wini-wish na magkaroon ako ng katuwang sa buhay.

"Masaya naman din mag-isa kasi maraming nagmamahal sa 'kin.

"Pero yung talagang partner mo, yun ang matagal ko nang gusto.

"May mga naka-date at nakilala ako, pero hindi sila yung gusto ng puso ko.

"Nang ma-meet ko si Frank, the more na nakikilala ko siya, mas lalong nakikita ko pwede ko siyang makasama sa future."

Ayon kay Francine, binili niya ang kanyang wedding dress sa Rustan's Makati, Halston Heritage.

Nagpagawa rin daw siya ng sandals sa famous sandalmaker sa Capri na si Antonio Viva.

I have found the one whom my soul loves ???? Song of Solomon 3:4 #FrankFraP ????: @lauraruzich

A photo posted by Francine Prieto (@norweirdgian) on

Ayon kay Francine, intimate lang ang naging kasal nila ni Frank.

Continue reading below ↓

Apat lamang sa mga kaibigan ng aktres ang nakadalo.

"No showbiz friends, may mga in-invite ako, di sila pwede... the rest family and friends na ni Frank."

Plano rin daw nilang magpakasal muli sa Denmark sa susunod na taon.

"Para naman makarating family ko from Norway and also mga siblings ko dito makasama," ani Francine.

Nilinaw ni Francine na bagamat kasal na siya, patuloy pa rin ang kanyang showbiz career.

"Magsu-showbiz pa rin ako at may iba pa akong work and pinaplano na business with my sister Sheh."

IN PHOTOS: Francine Prieto gets married in simple wedding celebration in Italy

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Francine Prieto is very happy about marrying non-showbiz American fiance, "Kasi matagal ko na wini-wish na magkaroon ako ng katuwang sa buhay."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results