PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Press Secretary Martin Andanar calms media amidst Mocha Uson's 'prestitutes' statement

Sec. Martin Andanar on Mocha Uson: She's entitled to her own opinion.  
by Rose Garcia
Published Sep 23, 2016
Press Secretary Martin Andanar assures whatever Mocha Uson says is her opinion and not sanctioned by the Office of the President.

Bilang press secretary ng administrasyong Rodrigo Duterte, tinanong ng entertainment press si Martin Andanar kung ano ang opinyon niya sa pahayag ng die-hard Duterte supporter na si Mocha Uson na 'prestitutes' ang mga mamamahayag na kritikal sa pamamalakad ng bagong pangulo.

Pahayag ng dating TV5 news anchor, “Kanya-kanyang pananaw naman ‘yan.

“Lahat naman tayo dito, halos lahat kayo koluminista.

“May kanya-kanya kayong column, may kanya-kanya kayong pananaw.

“Yun ang pananaw ni Mocha, so she’s entitled to her own opinion.”

Hindi kaya sa halip na nakakatulong ay nakakasira lang si Mocha sa presidente dahil sa mga pahayag nito?

Ayon kay Andanar, “Ang sa akin lang naman dito, ang pinuprotektahan ko lang, ang opisina ng Pangulo as the press secretary of the President.

“Ang aking interes po ay protektahan ang opisina ng Presidente, protektahan po ang opisina ng PCOO [Presidential Communications Operations Office] at maibigay ang tamang mensahe sa publiko.

“So, pagdating po sa mga debate sa social media, the social media is a free space.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala naman ho tayong control sa social media, so ipinauubuya ko na lang ho ‘yan sa debate sa social media.

“Basta ang mahalaga ho ay ang sa amin, maibigay ko sa inyo ang pinaka-ibig sabihin o kahulugan ng mga statements ng ating Pangulo.

“Na kung minsan ay nami-misinterpret po ng ating mga kababayan.”

Paliwanag pa niya, “Para kasing ang [social] media, parang kayo rin, hindi rin namin pinapakialaman.

“Yung mga kolumnista, whether positive or negative.”

Wala rin silang pakialam kay Mocha?

“Hindi po... ano lang, tawag nga po nila sa social media, free space,” paglilinaw ni Andanar.

Naganap ang press conference niya noong September 21, Miyerkules, sa Max’s Restaurant sa Quezon City.

Dito ay kinumpirma rin ni Secretary Andanar na anumang ilabas o sabihin ni Mocha ay wala itong basbas ng Malacanang.

“Basta yung lahat ng galing sa Presidential office, yun ang opisyal.

“At meron namang inilabas na memorandum circular… from the executive secretary, September 21, 2016, na nagsasabing ang PCOO ang official [communications office of the executive department].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
PCOO, Mocha Uson
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Press Secretary Martin Andanar assures whatever Mocha Uson says is her opinion and not sanctioned by the Office of the President.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results