Marami ang nagsasabing si Barbie Forteza ang pinakamahusay sa hanay ng female teen stars ngayon kung pag-arte ang pag-uusapan.
Sa edad na 19 ay mayroon nang apat na acting awards si Barbie: New Movie Actress of the Year for Puntod sa Star Awards for Movies noong 2010; Best Supporting Actress for Mariquina sa 2014 Cinemalaya Awards at 38th Gawad Urian; at Best Actress for Laut sa 36th Fantasporto International Film Festival.
Natawang reaksiyon ng GMA Tween Queen, “Ganern? Ay! Hindi ba yung pisngi ko yung panlaban ko?”
Pero seryoso niyang dagdag, “Siguro kasi, kumbaga, parang… iba-iba naman kasi.
“Hindi naman kasi siguro sila magtatagal, hindi naman siguro sila papasok sa showbiz kung hindi sila magaling umarte.
“Hello, may mga awards na rin naman sila, di ba, at saka ang tataas ng ratings ng shows nila.
“Ibig sabihin, marami talagang nakakapansin sa kanila.”
Mapangahas din si Barbie na sumubok ng iba’t ibang klaseng roles sa indie films.
Paliwanag niya, “Ako po kasi, talaga gusto kong i-expose yung sarili ko sa indie films.
“Kasi dun ko talaga mate-test yung sarili ko kung hanggang saan yung makakaya ko pagdating sa pag-arte.
“E, sila, mainstream, di ba, so iba naman.”
TOP OF HER GAME. Nakasama ni Barbie sa 2016 Cinemalaya entry na Tuos ang Superstar na si Nora Aunor.
Dahil sa pagganap niya sa pelikulang ito ay inihahanay na si Barbie sa mga beteranang aktres, kagaya nga ni Nora at Judy Ann Santos na may entry rin sa Cinemalaya.
Ngunit kontra ni Barbie, “Opinyon yun, it’s an opinion… hindi naman siya fact!
“Grateful ako sa mga tao na ina-acknowledge ako in that way.
“For a young actress like me, isang malaking karangalan na makatrabaho ko ang isang Nora Aunor.
“For me, hindi ko naman ginagalingan yung pag-arte to compete with anyone.
“Pero kasi, gusto ko siya talaga, ever since gusto ko talagang umarte, yun lang.
“Hindi naman para malamangan yung iba.”
Ano ang masasabi niyang tinalo silang tatlo ni Hasmine Killip sa Cinemalaya para sa indie movie na Pamilya Ordinaryo?
Kumpara kina Barbie, Nora, at Judy Ann ay pinakabago sa larangan ng pag-arte si Hasmine.
Aniya, “Hindi ko po kasi napanood yung Pamilya Ordinaryo, pero ang dami ko rin pong nabasang good reviews.
“I’m sure well-deserved yung award… yung nag-present, kami ni Direk Lav Diaz.”
DEADMA. Tinanong din ng PEP si Barbie kung paano niya hina-handle ang bashers sa social media.
Tugon niya, “Wala, deadma, never kong na-experience na sumagot ako sa bashers.
“Kasi hahaba, e, tapos baka isipin ng ibang bashers… baka magselos sila na yung isa pinansin ko, yung isa hindi.
“So, baka mas dumami yung bashers ko kesa sa fans!”
Pero pahabol niya, “Hindi, kasi parang… mas marami akong dapat pagkaabalahan.
“Mas marami akong gustong gawin kesa pansinin yung mga namba-bash sa akin.”
Bida si Barbie sa Magpakailanman episode na may pamagat na "Anak Sa Mundo Ng Droga" na ipalalabas sa Sabado, September 24.
Isa rin siya sa main cast ng Sunday PinaSaya tuwing Linggo ng tanghali.
