Nagsalita ang anak ni President Rodrigo Duterte na si Sebastian “Baste” Duterte hinggil sa mga kritisismong ipinupukol sa ama bilang pangulo ng bansa.
Ayon kay Baste, nasanay na siya dahil buong buhay niya ay nasa larangan na ng pulitika ang kanyang ama.
Bago naging pangulo ng Pilipinas ay matagal nanungkulan si Duterte sa Davao City bilang mayor at vice mayor.
“Not really. It’s politics,” pahayag ni Baste sa panayam sa kanya ng News Now at ANC News Channel.
Dagdag pa niya, “Sh*t is gonna happen. I’m his son for 28 years. We had it coming and alam na namin yun.”
Aminado si Baste na naaapektuhan pa rin sila sa mga pambabatikos, subalit natuto na rin sila.
“Of course maaapektuhan ka naman. It’s just that marunong ka nang maging numb.”
Nagbigay rin ng update ang First Son tungkol sa kanyang kapatid na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte, na nakunan ang dalawa sa triplets na dinadala nito.
Aniya, “She’s okay. She lost the twins but there is still one more.
“Resting, she’s always resting. She needs to take care of the baby.”
