Nagwagi ang kandidata ng Pilipinas na si Jeslyn Santos, 23, sa katatapos lang na Miss United Continents 2016.
Ginanap ang beauty pageant kahapon, September 24, sa Palacio de Cristal sa Guayaquil, Ecuador.
Tinalo ni Jeslyn ang dalawampu’t pitong kandidata mula sa iba’t ibang bansa.
Kapansin-pansin din na sumagot si Jeslyn sa wikang Spanish noong question-and-answer portion.
Nagwagi naman bilang first runner-up ang kandidata ng bansang Denmark, second runner-up ang India, third runner-up ang Brazil, at fourth runner-up ang kumatawan sa Mexico.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na napanalunan ng Pilipinas ang Miss United Continents na titulo.
At sa ikaapat na taon ng nasabing beauty pageant, ito ang unang beses na may nakakakuha ng titulo mula sa Asya.
Congratulations, Jeslyn!
