Natawa na lamang si Piolo Pascual nang tanungin tungkol sa pagiging bahagi niya sa isa sa mga Facebook Live sessions ni Luis Manzano.
Naging trending kasi ang Facebook Live session na ito sa social media kamakailan.
Unang nakita rito si Piolo na naka-topless. Pagkatapos ay bumalik siya sa likod ni Luis para mag-ayos ng kanyang susuoting polo shirt, na kanyang itinuck in.

Bukod kay Piolo, nakita rin sa livestreaming video na ito, na kuha sa isang dressing room sa ABS-CBN, ang anak niyang si Inigo Pascual.
“That was the first time I experienced that,” natatawang sabi ni Piolo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters sa HOOQ Hangouts event noong nakaraang Biyernes, September 23, sa Bonifacio Global City.

Patuloy pa ng hunk actor, “Hindi ko alam na ganun pala ang Facebook Live. So, I learned my lesson.
"I guess I was too uncensored when I did it because he did it sa dressing room namin.
“Hindi ko alam na ina-upload pala 'yon. Okay lang, charge it to experience.
“Yung mga ganun, when it gets uploaded, hindi mo na maaalis sa YouTube.
“What people see there is the real thing. Yun ang uso, e. You know, for the sake of your viewers, di ba?”
Agad naman nilinaw ni Piolo na wala siyang Facebook account.
Kaya naman hindi rin daw niya alam kung ano ang naging reaksiyon ng mga nakanood nito.
“I have no idea kung ano yung mga comments,” nakangiti pa ring sabi ni Piolo.

Sa huli, sabi ni Piolo na mas mainam na rin na hindi niya malaman ang mga komento ng mga nakanood.
“It's his account, so kung may mga nagsalita doon ng kung anu-ano, mas maganda na yung hindi ko alam,” pagtatapos ng Kapamilya actor.