Tila galit na nagbigay ng warning si Ryan Agoncillo sa isang internet troll na nagmamasid sa kanyang mga Instagram post.
Sa kanyang post kahapon ng larawan ng anak niyang si Yohan, nagbigay ng babala ang Eat Bulaga! host sa isang Instagram user na diumano'y na-block na niya, ngunit sa tingin niya ay tumitingin pa rin sa kanyang mga post sa pamamagitan ng paggamit ng ibang account.
Hindi tinukoy ni Ryan ang pinaghihinalaan niyang basher at tila nabura na rin ang kanyang comment.
Gayunman, naging malaman pa rin ang mensahe ni Ryan para rito.
Aniya, “Bash me all you want , BUT DONT EVER FUCK WITH MY KIDS.”

Ilang followers naman ang sumuporta kay Ryan at pinaalalahanan siyang huwag nang pansinin ang mga basher.




Samantala, sa naturang post din ay sinagot ni Ryan ang fans na nagtatanong tungkol sa pagbabalik niya sa Eat Bulaga!
Sabi ng kilalang TV host, “Yes I'm going back to Eat Bulaga very soon, just finishing the 2nd season of CashCab Philipiines for AXN? miss ko na kayo mga dabarkads!”
