PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maya happy about "roller coaster" relationship with Geoff Eigenmann

Maya on best part about relationship with Geoff Eigenmann: "Parang best friend kami."
by Rose Garcia
Published Sep 25, 2016
Maya (a.k.a. Angeli Mae Flores) on her relationship with Geoff Eigenmann: "Siyempre, yung simula parang kapag nakikilala mo ang isang tao, palalim nang palalim, may nakikita ka, parang, 'Kaya ko ba itong ugali na 'to?' So parang at the end of the day, it's all about compromising."  

May ilang buwan na rin ang relasyon nina Geoff Eigenmann at ng kanyang girlfriend na si Maya, isang upcoming singer na kilala rin bilang si Angeli Mae Flores.

Pero dahil hindi naman daw sila nagse-celebrate ng monthsary, wala sa isip ni Maya kung ilang buwan na nga sila talaga.

Ang alam lang daw niya ay malapit na silang mag-isang taon.

Ayon kay Maya, “Hindi ko alam kung nagma-monthsary siya before, pero ako kasi hindi.

“Wala naman akong against sa ganun, pero hindi lang siguro ako yung ganung type.”

Kumusta ang ilang buwang relasyon nila ni Geoff?

“Roller coaster,” natawang paglalarawan niya.

“Siyempre, yung simula parang kapag nakikilala mo ang isang tao, palalim nang palalim, may nakikita ka, parang, 'Kaya ko ba itong ugali na ‘to?'

“So parang at the end of the day, it’s all about compromising.

“Pero kapag mahal mo naman ang isang tao, siyempre, lahat matatanggap mo.”

GEOFF'S SWEET WAYS. Bukod sa pagiging sweet, ang pagiging maalaga raw ni Geoff ang mga nagugustuhan niya ritong katangian ng boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya, “Actually, hindi siya naggi-give-up kapag may problem or anything.

“Parang ako pa sa simula, parang ako yung nai-stress. Pero siya, talagang laban pa rin.

“Parang mari-realize mo na lang na, 'Oo nga, tama siya.'

“Noong later na lang na na-realize ko na dapat talaga winu-work out, pinag-uusapan.”

Ano ang pinakagusto niya sa relasyon nila ni Geoff?

Sabi niya, “Parang best friend kami, parang hindi masyadong seryoso na, 'Weh, boyfriend kami.'

“Parang nag-aasaran lang, kulitan. Nag-eenjoy kami sa company ng isa’t isa.

“Kahit na wala kaming ginagawa, nanonood lang kami or may iba akong ginagawa, siya may iba rin, pero nandiyan lang ang presence ng isa’t isa.

“Best day ever.”

DEALING WITH BASHERS. Natawa si Maya nang tanungin namin kung ano ang reaksiyon niya kay Geoff kapag pinapatulan nito ang mga bashers niya, tulad na lang kamakailan lang nang may patulan siyang basher sa Instagram account na manonood ng morning serye nito sa ABS-CBN na Be My Lady.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatawa niyang kuwento, “Noong una, palagi kong sinasabi sa kanya na nagdadrama ka na naman.

“Pero wala lang, hindi ko na lang sineseryoso, hinahayaan ko na lang siya.

“At saka, as long as hindi naman sobrang grabe. Okey fine, as long as diyan mo nailalabas.

“Kung may foul man, siyempre pagsasabihan ko siya, pero wala naman.”

Na-bash na ba siya lalo na noong malaman ng publiko na siya ang naging girlfriend ni Geoff pagkatapos ng naging relasyon ni Geoff kay Carla Abellana?

Pagklaro niya, “Actually, hindi ako ang nakakakita, yung mga friends ko.

“Noong una kasi, parang masyado silang suspicious sa relationship namin. Parang, 'What, totoo ba ‘yan? Seryoso ba siya?

“Siyempre, celebrity... baka raw kasi gusto ka lang niya, pero kapag nakuha na, lalo na yung mga friends ko na over-protective.

“So, sila ang nakakakita online, then sine-send nila sa akin.

“Sabi ko naman, 'Wag niyo nang i-send sa akin ‘yan, ayokong makita.'”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naaapektuhan din ba siya kapag may nagsasabing baka ginagamit lang niya si Geoff dahil mas kilala ito sa kanya?

Pag-amin niya, “Oh my God! Noong unang magkaroon ng ganoong isyu, medyo naapektuhan ako.

“Parang ako, 'Ano ba itong pinasok ko?'

“Kapag sinasabi ko naman sa kanya, sinasabi niya, 'Ganyan talaga, ‘wag mo na lang pansinin, tawanan mo na lang.;

“E, hindi naman sila ang nasa relationship, bakit ako mai-stress, kami naman ang nasa relationship.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maya (a.k.a. Angeli Mae Flores) on her relationship with Geoff Eigenmann: "Siyempre, yung simula parang kapag nakikilala mo ang isang tao, palalim nang palalim, may nakikita ka, parang, 'Kaya ko ba itong ugali na 'to?' So parang at the end of the day, it's all about compromising."  
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results