Inaresto ng mga awtoridad ngayong Lunes, September 26, ang dating sexy star na si Sabrina M. dahil sa isang buy-bust operation.
Sa naunang ulat ng GMA News Online, walang inilalabas na ibang detalye ang Quezon City Police District (QCPD) maliban sa surveillance video ni Sabrina kung saan gumagamit umano ito ng bawal na gamot.
Surveillance video laban kay Sabrina M habang gumagamit ng ilegal na droga bago ang operasyon ng QCPD @dzbb pic.twitter.com/h0Jx3aQTaR
— Allan Gatus (@allangatus) September 26, 2016
Dating artista na kilala sa pangalang Sabrina M, nahuli ng QCPD sa isang drug operation @dzbb pic.twitter.com/GEFZ9xg0zQ
— Allan Gatus (@allangatus) September 26, 2016
Nahuli si Sabrina M. sa operasyon ng DAID QCPD @dzbb pic.twitter.com/2TXAAlJ3dl
— Allan Gatus (@allangatus) September 26, 2016
Humingi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay QCPD Police Director Senior Superintendent Guillermo Lorenzo Eleazar ng detalye tungkol sa pagkakaaraesto kay Sabrina.
Sa ipinadala niyang mensahe sa PEP, sa pamamagitan ni Police Chief Inspector Titoy Cuden, sinabi nilang magha-hatinggabi nitong Linggo, September 25, nang nasakote ng kanilang mga tauhan ang dating sexy star at dalawa pang kasamahan nito.
Ayon sa kanilang pahayag, “The arrest of former sexy actress popularly known as Sabrina M. and two pals engaged in drug session at about 11:45 pm last night, in a joint buy-bust operation conducted by the District Anti-illegal Drugs-Special Operations Task Group (DAID-SOTG) and District Special Operations Unit (DSOU) personnel led by Police Senior Inspector John Wayne Versoza in Quezon City.
“Sabrina M, 36 y/o, (Karen Salas Palasigui in real life) was arrested after a poseur buyer arranged to buy Php 6,000 worth of shabu in her residence at No.9 Pulangui St., Napocor Village, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.
“Also arrested during the operation were Erwin Suba San Martin, 29 y/o, with same address as Sabrina M. and Edwin Locsin Coloma, 38 years old, residing at Roque 1 Extension, Brgy Pasong Tamo. The two were caught in the act of sniffing shabu inside the actress’s house.”
Bukod sa pagpa-pot session, may nahuli rin daw na ilang sachet ng shabu at drug paraphernalia sa bahay ni Sabrina.
Nahaharap si Sabrina at dalawa pang kasama sa mga reklamong may kaugnayan sa R.A. 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.
Si Sabrina M ay namayagpag bilang sexy star noong dekada ’90.
Kabilang sa mga pelikulang ginawa niya ay Karanasan: The Claudia Zobel Story (1995), Makamandag na Bango (1996), at Totoy Mola (1997).
Ang huling nagawang pelikula ni Sabrina ay ang Jumbo Jericho noong 2013.
