PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Toni Gonzaga attends premiere of sister Alex's movie despite contraction

Toni Gonzaga is expected to give birth to her first child with Paul Soriano anytime now.
by Jojo Gabinete
Published Sep 28, 2016
Nagawa pang um-attend ni Toni Gonzaga (kanan) ng premiere ng pelikula ng kanyang kapatid na si Alex Gonzaga (kaliwa) kahit na nakakaramdam na siya ng contraction, na senyales na malapit na siyang manganak.

Anumang oras mula ngayon ay isisilang na ni Toni Gonzaga ang panganay nilang anak ng mister niyang si Paul Soriano.

Pero sa kabila nito ay dumalo pa siya sa red-carpet premiere ng pelikulang My Rebound Girl, na pinagbibidahan ng kanyang kapatid na si Alex Gonzaga.

Ginanap ang premiere sa Cinema 7 ng SM Megamall nitong Martes ng gabi, September 27.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Alex tungkol sa sitwasyon ng kanyang ate, “Kanina, actually, sinabi niya na dinudugo-dugo na siya.

“Sabi niya, aalis na agad siya pagkadating na pagkadating niya, pero nag-stay din siya. Touched ako.

“Sabi niya, nagko-contraction na rin siya.

“Sabi niya, kapag nag-contraction pa rin siya, didiretso na siya sa ospital.”

Kinumpirma rin ni Mrs. Pinty Gonzaga, ang ina ni Toni, ang kalagayan ng kanyang panganay na anak na nakatakda nang magsilang sa St. Luke's Medical Center sa Global City.

Baby boy ang isisilang ni Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Toni Gonzaga, Paul Soriano
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagawa pang um-attend ni Toni Gonzaga (kanan) ng premiere ng pelikula ng kanyang kapatid na si Alex Gonzaga (kaliwa) kahit na nakakaramdam na siya ng contraction, na senyales na malapit na siyang manganak.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results