Itinanggi ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang lumabas na balita tungkol sa kanya sa isang news program kagabi, September 27.
Idinaan ni Pia sa Twitter ang paglilinaw sa report ng TV Patrol ng ABS-CBN nitong Martes ng gabi.
Iniulat dito ang pagkaka-link ng beauty queen sa Filipino F1 racing driver na si Marlon Stockinger, matapos i-post ni Pia ang picture nila ng binata sa kanyang Instagram account kamakailan.
Ayon sa ulat, wala raw namamagitan sa dalawa at magkaibigan lamang sila.
Sinabi rin sa report na ayon sa grupo ni Pia, nakikipag-date pa rin ang dalaga sa tinaguriang 'Sexiest Doctor Alive' na si Doctor Mike o Mikhail Varshavski.
Binanggit din sa ulat na hindi na pina-interview si Pia sa isang event na dinaluhan ng Miss Universe nitong Lunes, September 26.
Ngayong hapon, nag-tweet si Pia at sinabi niyang walang katotohanan ang balitang lumabas sa news program.
“Wonder where they got their sources from,” bahagi pa ng tweet ng beauty queen.

Pero pagkalipas ng ilang minuto, tila binura na ni Pia ang nasabing tweet.
Samantala, sa sumunod pang tweet ng actress-turned-beauty queen, inihayag niya ang kanyang pagtataka kung bakit hindi nabalita ang tungkol sa ginawa niyang trip sa UNICEF o United Nations International Children’s Emergency Fund nitong September 27, Martes.
I wonder why the media won't feature our recent trip to UNICEF instead. ???? Yesterday was national gay men's HIV AIDS awareness day.
— Pia Alonzo Wurtzbach (@PiaWurtzbach) September 28, 2016
Isang netizen ang nag-tweet kay Pia at sinabi nitong posibleng iniisip ng media na mas interesado ang publiko tungkol sa kanyang love life.
Sagot naman dito si Pia: “Which is sad because I've done a lot but it doesn't seem to get more media coverage.”
Which is sad because I've done a lot but it doesn't seem to get more media coverage. ???? https://t.co/kVfAnzsDRh
— Pia Alonzo Wurtzbach (@PiaWurtzbach) September 28, 2016
