Pumanaw na ang dating presidential candidate at senador na si Miriam Defensor Santiago.
Mismong mister ni Miriam na si Jun Santiago ang nag-anunsiyo ng pagpanaw ng dating senadora nitong umaga ng Huwebes, Setyembre 29.
Pahayag ni Jun sa panayam ng dzBB: “She died in her sleep this morning.”
Jun Santiago, asawa ni dating Sen. Miriam Santiago: "She died in her sleep this morning." | via @nimfaravelo
— DZBB Super Radyo (@dzbb) September 29, 2016
Matatandaang 2014 nang na-diagnose si Senator Miriam ng stage four lung cancer.
Nang sumabak ang senador ng 2016 elections bilang presidential candidate ay inihayag nitong magaling na siya.
Ngunit noong Hunyo ay isinugod sa ospital at na-confine sa Intensive Care Unit si Senator Miriam dahil sa kanyang karamdaman.
