Hindi naiwasan ng celebrity cosmetic surgeon na si Dr. Vicki Belo na mag-react dahil sa sunud-sunod na kritisismo sa kanyang isinuot na gown sa kasal ng kanyang anak na si Cristalle Belo.
Ikinasal ang unica hija ng cosmetic doctor sa Australian fiance nitong si Justin Pitt sa Como, Italy, noong September 15 (Philippine time).
Dinaluhan ang kasal ng pamilya ni Cristalle; nandun din ang boyfriend ni Vicki na si Hayden Kho Jr. at celebrity friends ng bride.
Samantala, sa sunud-sunod na pictures na ipinost ng doktora sa kanyang Instagram account, marami ang nagkomento at sinabing hindi nila nagustuhan ang gown na likha ni Peter Copping para sa Spring 2016 collection ng Oscar dela Renta fashion line.
May mga netizen na binatikos at kinuwestiyon ang taste ng doktora sa damit.
Kung anu-ano rin ang itinawag sa kanyang suot gaya ng “awful,” “fashion victim,” at “mess of a gown.”
Mayroon din namang maayos na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa gown.




May ilan ding sumuporta at ipinagtanggol si Vicki sa kanyang damit.


Pagkatapos ng halos dalawang linggo, nag-react si Vicki sa pamamagitan pa rin ng kanyang Instagram account.
Ipinost niya ang larawan nila ni Hayden na kuha sa wedding ng anak, at itinabi ang larawan ng isang modelo na suot ang kagayang gown ng doktora.
Caption ni Vicki rito: "It's not who wore it better but who has the better accessory."
Pinasalamatan din niya si Hayden dahil sa pagtatanggol nito sa kanya.
Nagpasalamat din ni Vicki sa comments section dahil sa words of encouragement ng mga sumuporta sa kanya at nagsabing ang panloob na katangian ay mas mahalaga sa panlabas na kaanyuan.



