PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bong Revilla gets sentimental on celebration of his 50th birthday

Bong Revilla: Lalabas kami dito na mapapatunayan naming wala kaming kasalanan.
by Gorgy Rula
Published Sep 29, 2016
Part of former Sen. Bong Revilla's message during his 50th birthday celebration: "Sa pagbagsak namin ni Pareng Jinggoy, sa pagbagsak, damay ang buong pamilya, lahat. Durog. Sa pagbagsak namin, sama-sama tayong lahat na babangon."

Hindi napigilang maging emosyunal ni former Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. nang magbigay siya ng mensahe sa lahat ng dumalo sa simpleng salu-salo para sa selebrasyon ng kanyang 50th birthday noong Sabado, September 24.

Dinaluhan ito ng kanyang pamilya, mga kamag-anak, at ilang malalapit na kaibigan.

Ang aktuwal na kaarawan ni Bong ay noong Linggo, September 25.

Mahigit dalawang taon nang naka-detain ang actor-politician sa PNP Custodial Center, kasama ang kaibigan at dati ring senador na si Jinggoy Estrada, dahil sa pagkakasangkot diumano niya sa pork barrel scam.

Bahagi ng pahayag ni Bong, “Alam niyo, napakahirap ng buhay dito.

“Akala niyo okay kami, kahit ganito pa ‘yan, balewala lahat yun.

“Kahit ano pa sabihin natin, selda pa rin ‘yan.

“Kailangan namin ni Pareng Jinggoy ng tunay na kalayaan na ipinagkait nila sa amin.

“Dapat malayo na ang marating namin, pero hinadlangan nila.

“Pero ganun pa man, hindi kami dapat maging marupok sa mga pagsubok na ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumaling si Bong kay Jinggoy, na nakikinig lang sa kanya: “Pare, in God’s time. Maybe it’s not yet our time.

“Pero ang pinakaimportante ngayon, kilala na natin, Pare, kung sino ang mga tunay nating kaibigan. Lahat na narito ngayon.”

Patuloy niya, “Alam niyo, sa totoo lang, akala namin wala nang nagmamahal sa amin, e.

“Eto lang ang masasabi ko, kahit na mas malaki pa ang celebration ng birthday ko before, masasabi ko sa mga ganitong sitwasyon na kinalalagyan namin ni Pareng Jinggoy, dito mo makikita ang mga tunay na kaibigan mo.

“At sa pagkakataong ito, kayong lahat na narito at mga dumalaw sa amin, kayo ang mga tunay na kaibigan namin ni Pareng Jinggoy.

“Tunay na nagmamahal sa amin.”

BABANGON KAMI... Garalgal na ang boses ni Bong nang patuloy siyang nagsasalita.

“Ang masasabi ko pa, sa bawat pagsubok ng buhay ng tao, hindi puwedeng palagi kang nasa ibabaw, hindi naman pupuwedeng palagi kang nasa ilalim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa aming pagbagsak ni Pareng Jinggoy, babangon at babangon kami.

“At sa pagbangon namin…”

Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin.

Lumapit si Jinggoy at yumakap sa kanya. Pareho na silang naluha.

Ilang sandali pa ay nagpatuloy si Bong sa pagsasalita.

Sabi niya, “Nung pumasok kami dito… number one senator, number two senator, pro tempore pa ‘to. Mahal ng sambayanan.

“Nakita namin ang pagmamahal sa amin ng masang Pilipino.

“Alam ko, darating yung panahon na… at malapit na yun.”

Saad pa ng actor-politician, “Sa pagbagsak namin ni Pareng Jinggoy, sa pagbagsak, damay ang buong pamilya, lahat. Durog.

“Sa pagbagsak namin, sama-sama tayong lahat na babangon.”

Sumingit na si Jinggoy at nagbiro na kaya raw nagsasalita ng ganun ang best friend niya ay dahil baka siya raw ang unang lalabas at maiiwan pa muna si Bong.

Sabi ni Jinggoy, “Ito lang ang tandaan mo, ha, kung saka-sakali lang na mauna akong makalabas, dito pa rin ako matutulog, babantayan pa rin kita.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sorry sa aking asawa, alam ko namang maiintindihan mo ako.

“Ginawa ko ‘yan nung araw, e.

“Nung una ako’y unang nakulong, pinalabas ako ng korte, hindi ko matiis ang tatay ko.

“Nung unang araw ng paglaya ko, natulog pa rin ako sa Veterans, sinamahan ko pa rin yung tatay ko. Samahan pa rin kita.”

Ang tinutukoy ni Jinggoy ay ang pagkakakulong sa kanila ng ama niyang si dating President Joseph Estrada dahil sa kasong plunder.

Natawa na lang si Bong at sinabihan din niya si Jinggoy na baka nagpapa-guilty lang daw ito.

NEVER GIVE UP. Sabi pa ni Bong, “Basta, hindi kami nawawalan ng pag-asa.

“Lalabas ang katotohanan na wala kaming kasalanan.

“Lalabas kami dito na mapapatunayan naming wala kaming kasalanan.”

Mabuti at idinadaan na lang daw nila sa biruan pero napakalungkot daw talaga ng kanilang kalagayan.

Ayon kay Bong, “Sabi ko nga, ayoko na sanang lumuha dito dahil marami nang luhang lumabas dito sa Custodial Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro kung susukatin mo, kulang ang isang dram.

“Kami ni Pareng Jinggoy, kahit mukha kaming masaya, pero dumudugo ang puso namin sa loob.

“Pero kayo ang nagpapalakas sa amin, mga kaibigan namin at sumusuporta sa amin.”

Read Next
Read More Stories About
Bong Revilla
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Part of former Sen. Bong Revilla's message during his 50th birthday celebration: "Sa pagbagsak namin ni Pareng Jinggoy, sa pagbagsak, damay ang buong pamilya, lahat. Durog. Sa pagbagsak namin, sama-sama tayong lahat na babangon."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results