Anumang oras mula ngayon ay isisilang na ni Toni Gonzaga ang una nilang anak ng mister niyang si Paul Soriano.
Ayon sa mensahe ng ina ni Toni na si Pinty Gonzaga sa ABS-CBN entertainment news reporter na si MJ Felipe, ang Kapamilya TV host-actress ay kasalukuyang nasa labor room ng St. Luke's Medical Center, sa Bonifacio Global City, Taguig.
Ayon pa raw sa mga doktor ni Toni, aabutin pa ng lima hanggang pitong oras bago manganak si Toni.
Ito ay taliwas sa naunang ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagsilang na si Toni.
Mismong si Toni ay nagpahiwatig na handa na siyang manganak, base sa kanyang Instagram post kagabi, Setyembre 28.
Sabi ni Toni sa caption ng naturang post: "Ready when you are... @paulsoriano1017."
Sinabi nina Toni at Paul noong Hunyo na lalaki ang anak nila ngunit hindi pa nila isinasapubliko ang napili nilang pangalan para sa kanilang firstborn son.
Note: Revised from original article.
