Nagpakawala na naman ng kontrobersiyal na pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng maigting na kampanya ng kanyang gobyerno laban sa illegal drugs.
Sabi ni Duterte sa kanyang talumpati pagkadating niya sa Davao City mula sa kanyang official visit sa Vietnam, “Hitler massacred three million Jews.
“Now, there are three million drug addicts... I'd be happy to slaughter them.
“At least if Germany had Hitler, the Philippines would have…” dagdag niya bilang pagtukoy sa kanyang sarili.
Patuloy ni Duterte, “You know my victims, I would like to be, all criminals, to finish the problem of my country and save the next generation from perdition.”
Ang Hitler na tinutukoy ni Duterte ay si Adolf Hitler, ang lider ng Nazi Germany mula 1935 hanggang 1945.
Bilang isang diktador, si Hitler ang nagpasimuno ng World War II sa Europe sa pamamagitan ng pagsakop sa bansang Poland noong 1939.
Si Hitler at Nazi Germany ang may kagagawan ng Holocaust, kung saan humigit-kumulang 6 million Jews ang pinatay.
Ayon sa ulat ng GMA News ngayong araw, September 30, ginawa ni Duterte ang kanyang pahayag na ito bilang sagot sa kritisismong natatanggap niya mula sa Estados Unidos at European Union kaugnay ng extrajudicial killings na nagaganap dahil sa giyera ng pangulo ng Pilipinas laban sa droga.
Buwelta pa ni Duterte, “Kayong US, EU, you can call me anything, but I was never into or I am never into hypocrisy like you.
“You close your doors. It's winter time. There are migrants escaping from the Middle East.
“You allow them to rot and then you're worried about the deaths of about one thousand, or two thousand, or three thousand?”
Ang posibleng tinutukoy niya rito ay ang pagtanggi ng ilang mga bansa na tumanggap ng Syrian refugees sa kanilang mga teritoryo.
Ayon sa opisyal na datos mula sa pulisya, mahigit 3,000 katao na ang namamatay sa drug-related incidents sa Pilipinas mula nang umupo si Duterte sa puwesto.
Maging sa entertainment industry ay nararamdaman na rin ang epekto ng kampanya ng pamahalaang Duterte laban sa ilegal na droga.
Ilang celebrities na ang boluntaryong nagpa-drug test upang patunayang hindi sila gumagamit ng illegal drugs.
Sinasabi ring hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang listahan ng celebrities na gumagamit o diumano'y pushers ng illegal drugs.
