Heart Evangelista has mixed emotions over naming of celebs in drug list

IMAGE Noel Orsal

"Siyempre, I must admit, it's sad, it's confusing. Siyempre, parang maaawa ka rin sa kanila...But if it's for the best, 'di ba?" said Heart Evangelista on the possibility that President Rodrigo Duterte might reveal the names of celebrities allegedly involved in illegal drugs.


Halu-halo ang nararamdamang emosyon ni Heart Evangelista pagdating sa usapin ng mga artistang diumano’y sangkot sa droga.

Base ito sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Heart sa ginanap na contract-signing nito sa Viva Entertainment noong Lunes, Setyembre 26.

Dito ay tinanong namin si Heart kung ano ang reaksiyon niya sa posibilidad na anumang oras ay pangalanan ng administrasyon ni Presidente Rodrigo Duterte ang mga artistang diumano’y gumagamit ng drugs.

Kaugnay ito ng ulat na kasalukuyang iniimbestigahan na ng awtoridad ang 50 celebrities na dawit sa paggamit at pagtulak ng ilegal na droga.

Pahayag ni Heart, “Siyempre, I must admit, it’s sad, it’s confusing. Siyempre, parang maaawa ka rin sa kanila.”

Aminado ang Kapuso star na masalimuot ang problema kaugnay ng illegal drug trade.

Sabi ni Heart, “A lot of them are doing it because they’re troubled.

“You don’t know what the effect would be sa kanila.

“Kasi, parang, to put their names out...”

Sa kabila ng kanyang agam-agam, kinokonsidera rin ni Heart ang positibong epekto ng pagsugpo sa ilegal na droga.

Aniya, “But if it’s for the best, ‘di ba?

“Maybe, it’s their wake-up call, it’s sad, though.”

Samantala, consistent si Heart sa paglalarawan sa naging pagkikita nila ni Presidente Duterte sa Davao.

Kuwento ni Heart, “Super bait niya.

“I just tagged along lang naman. He’s very normal.”

MEETING THE PRESIDENT. September 18 nang maiulat na ang mag-asawang Heart at Senator Francis “Chiz” Escudero ay personal na bumisita kay Presidente Duterte.

Nailang ba siya nang makaharap niya ang pangulo?

Sagot ng Kapuso actress, “Siyempre noong una, kasi, you’re gonna meet the president.

“Who meets the president on a normal day?

“But when I met him, he’s very normal. Hindi mo mararamdaman na presidente siya.”

Tulad ng nabanggit niya sa naunang ulat ng PEP, inulit ni Heart na na-enjoy niya ang pakikipagkuwentuhan kay Pangulong Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting saad ni Heart, “I appreciate that he’s very, very kind, and he took time [to chat with me].

“We were with him for quite a while, and we talked about my paintings, ganyan. Pinakita ko ang paintings ko.”

Read: Heart Evangelista describes President Rodrigo Duterte as "gracious, soft-spoken."

VIETNAM TRIP. Nito lang September 27 ay muling nakasama ni Heart si Presidente Duterte sa opisyal nitong pagbisita sa Vietnam.

Ito ay sa kadahilanang kasama si Heart at Senator Chiz sa official delegation ng pangulo.

Read: Heart Evangelista joins President Rodrigo Duterte's entourage in Vietnam


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN