Marami ang nag-akalang lumipad Lovi Poe ng Paris, France over the weekend para lang makasama nito ang nali-link sa kanyang French guy na si Chris Johnson.
Nag-umpisa ito sa isang Instagram post ni Lovi kasama si Chris sa litrato at may caption na: “because it’s a long weekend and I’m… #AGuntherInParis.”
Natatawang reaksiyon ng aktres tungkol dito, “Gusto mo yung nag-weekend lang sa Paris?
“I spent Friday, Saturday and Sunday in Paris, nag-weekend lang ako?
“Kung nangyari yun, ako na talaga yun!”
Paglilinaw ni Lovi, throwback picture lang niya yun kasama si Chris at kuha raw yun sa isang beach dito sa Pilipinas.
Dagdag pa niya, “Hindi lang din kasi kayo ang nagtanong.
“May mga friends din akong nag-message sa akin na, ‘Are you in Paris?”
Nami-miss na ba niya si Chris kaya napa-throwback siya, nangangarap na sana ay nasa Paris siya?
Mas natawa si Lovi at hindi agad nakasagot.
“Hindi naman… maganda ang view at maganda ako diyan,” biro niya.
Maganda rin ba ang tinatanaw nila ng non-showbiz friend niya, may pag-asa ba ito sa sa kanya?
Nakangiting sagot ni Lovi, “Well, it’s just a nice friendship that is growing.
“At saka, now is not the time.
“I just wanna enjoy, there are so many things that I want to do.
“Yun naman ang importante, I enjoy his company.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi sa taping ng primetime series nila ni Tom Rodriguez sa GMA Network, ang Someone To Watch Over Me.
FOREIGN PARTNER. Katulad din ba siya nina Isabelle Daza at Solenn Heussaff na foreigner ang gustong mapangasawa?
Sagot ni Lovi, “Hindi naman siya peg.
“I don’t think it’s a peg, hindi ko rin naman boyfriend.
“He’s just a guy that I’ve met.
“Yung mga ganyan naman, hindi naman pinaplano.”
Nagkaroon na ba siya ng foreigner boyfriend?
“May mixed, parang may halo, may ganun.”
May posibilidad ba na sa isang foreigner siya magpapakasal?
Tugon niya, “Well, let’s see. If it happens, it happens.”
Para nga raw mas nagki-click sa mga artista na foreigner ang napapangasawa, mas nagtatagal.
Nakikita niya yung ganoong senaryo?
Ayon kay Lovi, “Well, hindi ko naman siya nakikita.
“Siyempre ang mga lalaki, iba’t iba naman ang ugali.
“It’s just that, out of showbiz na lang, it doesn’t have to be a foreigner.
“Biased naman ako, e. I mean, I cannot say whom I want to end up with.
“Filipino ako, Filipino pa rin ang gusto ko.
“Pero siyempre, depende pa rin sa kung ano ang mangyayari.”
PAST PRESENT. Kahit matagal-tagal na rin silang break ni Rocco Nacino, pero tuwing mai-interview sila, ang tungkol pa rin sa isa’t isa ang tinatanong sa kanila.
Tipong naka-move on na yata sila, pero ang tao, hindi pa.
“No, it’s okay, matagal din kasi kami ni Rocco, two years din,” reaksiyon ni Lovi.
May pagkakataon bang may binalikan siyang ex?
“Well, it happened na rin before, pero ako, you cannot tell a person na ang dami mo nang dinate.
“Mas importante na ang dami mo nang dinate, kesa sa iisa lang tapos mari-realize mo na mali.
“You meet people, e. There’s a difference between dating around and sleeping around.
“You make sure that you’re the kind of girl that you meet people, pero hindi mo ibinibigay ang sarili mo.
“You have to know the difference between the two.
“It’s just that parang may mga kilala ka, you have to kiss a lot of frogs before you meet the prince.”
Sa pelikula at teleserye niya, madalas na ang karakter niya ay may pagka-liberated woman. Ganun din ba siya sa totoong buhay?
Sagot ni Lovi, “Hindi, hindi talaga. I’m very old-fashioned talaga.
“Yun nga ang sinabi ko, magsuot man ako ng damit na sexy, yun ang fashion ko, e, yun ang choice of fashion ko.
“But, wala, I’m very old-fashioned, I am.
“That’s my personality, but I dress differently.
“Yung image na naipapakita ko is different from who I really am.”
