Albert Martinez braces for another Christmas without his late wife Liezl

IMAGE Noel Orsal

Albert is still in the process of recovery a year after the passing of his beloved wife Liezl. He shares, "Siyempre, pagdadaanan mo pa rin yung moments na longing. I cannot say hundred percent, but I'm okay."


Minsan nang inamin ni Albert Martinez nang namayapa ang asawa niya na si Liezl Martinez na ang pinakamahirap sa kanya at sa kanilang mga anak ay tuwing sasapit ang Pasko.

Pasko na naman, lalo na naman daw nilang mami-miss ang ilaw ng kanilang tahanan.

Pumanaw si Liezl dahil sa sakit na breast cancer Marso noong nakaraang taon.

Ayon kay Albert, siya at ang mga anak na sina Alissa, Alyanna at Alfonso ay nasa proseso pa rin ng pagmo-move on.

Aniya, “It’s still a process pero siyempre pagdadaanan mo pa rin yung moments na longing.

“Good thing is, my kids are with me to keep me company, so I’m okay.

“I cannot say hundred percent, but I’m okay.”

Sa U.S. magdiriwang ngayong Kapaskuhan ang mga Martinez, “Church wedding ni Alynna in the U.S.,we might be spending our Christmas in the States.”


LAUDING COCO. Gumaganap si Albert bilang si Tomas, ang bida-kontrabida sa seryeng Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Masaya at nagpapasalamat ang aktor na bahagi siya ng nasabing serye na isang taon nang napapanood ng publiko sa ere.

Pinuri din ni Albert si Coco dahil sa husay, dedikasyon at propesyonalismo nito bilang isang artista.

Sabi nga niya, “It’s a fantastic feeling kasi to be part of this project na very successful.

“You’re working with the best people in the industry, working with people focused on their work.

“At the end of the day, you see people pa supporting what you are doing.

“It’s a win-win situation all the way, nag-e-enjoy kami.

“It’s an amazing feeling to be part of this team, one year na kami.

“Coco Martin is a very serious person. He’s focused on what he is doing, he’s hands-on sa lahat ng bagay.

“Hindi lang siya concerned sa sarili niya, concerned siya sa buong production.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Every single character, tinututukan.”

ANNIVERSARY CONCERT. Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Albert sa thanksgiving cum anniversary presscon ng Ang Probinsyano nung Huwebes, Septermber 29, sa 9501 restaurant sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN,

Kasama nga raw siya sa anniversary concert ng buong cast ng Ang Probinsyano sa Kia Theater sa October 8 para sa mga maususugid na tagatangkilik ng nasabing serye.

Ito ang Ang Probinsyano, Isang Pamilya Tayo concert kung saan marami ring ibang guests ang dapat abangan.

Bahagi ni Albert, “Malalaman pa namin next week kung ano ang gagawin namin pero most likely we’ll sing.”

Sa susunod namang taon ay isang pelikula ang gagawin ni Albert, “We’re in pre-production now. I’ll announce it in time, later this year.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN