Louise delos Reyes finally admits vocalist Champ Lui Pio is her new man

IMAGE Noel Orsal

Louise delos Reyes says it has taken her sometime to come out in the open about Champ Lui Pio because of her need to keep this relationship private for as long as she could. "Ngayon parang mas gusto ko mas intimate siya, mas private, ayoko nang masyadong issue," she explains.


Hindi na naitago ni Louise delos Reyes ang identity ng kanyang boyfriend at ito nga ay ang Hale vocalist na si Champ Lui Pio.

Hindi na ito kataka-taka dahil matagal na rin naman silang nauugnay sa isa’t isa.

Lahad ni Louise, “Yeah, ayoko talagang magsalita about that, but he’s very supportive and naiintindihan niya yung trabaho.

“Punu-push niya ako to be a better person, better actress.

“Professional talaga, it’s nice that he understands and he really push me to be a better person.

“More than anything else he’s my inspiration.”

Pero naging firm siya dati sa pagtanggi na si Champ na nga ang nagpapatibok ng puso niya ngayon.

Ayon sa aktres, “I am much happy and this time I want to be private with my life.

“Since I started in showbiz, naha-highlight palagi yung 'someone' ko, kung sino ang boyfriend ko.

“Ngayon parang mas gusto ko mas intimate siya, mas private, ayoko nang masyadong issue.”

Naroon naman daw siya sa mga gigs ng kasintahan, “Yes, I’m a fan.”

Nakapanayam si Louise ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa nakaraang pictorial ng Cinema One Originals para sa pelikulang Baka Bukas.

Focused daw sila ni Champ sa respective careers nila, siya bilang artista at ang boyfriend naman bilang lead vocalist ng Hale.

Lahad ni Louise, “More than the relationship itself, we’re both focused sa mga career namin at sa mga sarili namin.

“Okey naman, lalo na ngayon na I am having a hard time in my life.

“Parang I’m figuring things out, what I wanna do.

“I just wanna try other things kung ano yung capable ako.”

Isa rin sa pinagdaanan ni Louise ang pamba-bash sa kanya noon ng fans nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Hindi nga nakapagpigil si Louise at sinagot ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon daw ay natutuhan na niya ang magtimpi at ang AlDub fans naman ay tila nanahimik na rin.

Ani Louise, “Wala na rin naman and I think nararamdaman nila na I'm very happy with my personal life.

“I stop answering na rin. Kasi before sobrang pikon ako with bashers.

“But now parang waste of time na lang yan talaga.

“Dati talaga pikon ako lalo na pag alam kong 'di totoo, lalo na pag nadadamay na yung family ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN