Former senator Miriam Defensor-Santiago finally laid to rest

IMAGE Screengrab from @divinreyes on Twitter (Left) / Mark Atienza (Right)

Former senator Miriam Defensor-Santiago is finally laid to rest next to her son Alexander this afternoon, October 2, at Loyola Memorial Park in Marikina City.


Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang dating senador na si Miriam Defensor-Santiago ngayong hapon, October 2, sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Katabi ng huling himlayan ni Miriam ang libingan ng anak nito na si Alexander, na yumao naman noong 2003.

Ang huling funeral mass para kay Miriam ay ginanap kaninang tanghali sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City sa pamumuno nina Bishop Honesto Ongtioco at Bishop Emeritus Teodoro Bacani.

Ang Philippine Madrigal Singers naman ang umawit sa huling misa bago ilibing ang senadora.

Sa misa, nagpasalamat si Bishop Bacani sa senadora sa pagsisilbi nito bilang inspirasyon sa pagpapatuloy ng laban para sa kabutihan.

Aniya, "Miriam, inihahatid ka namin. Ang huling hantungan mo ay hindi ang libingan. Ang huling hantungan mo ay ang kamay at puso ng Panginoon.

"The hands of the just are in the hands of God. In my Father's house, there are many mansions. Nandoon ang huling hantungan mo at ang huling hantungan mo rin at nasa aming mga puso.

Pagtatapos nito, "Habang naala-ala ka namin, alam naming dapat ituloy ang laban para sa kabutihan. Salamat, Miriam at salamat sa inyong mga pamilya niya."

Bago matapos ang misa, nagpasalamat naman ang kapatid ni Miriam na si Dr. Leni Defensor sa lahat ng sumuporta sa kanyang kapatid, mula sa mga staff, mga doktor, at ang "Red Army" o volunteers na tumulong upang maisayos ang burol ng dating senadora.

Aniya, "To family, fans, and supporters, not only here in the Philippines but all over the world, her million friends on Facebook, we thank you not only for the words of condolence but the moral support when she gave her announcement about her serious illness.

"We thank the youth, my sister's inspiration, who shared her idealism and her vision. We know that you will continue her legacy.

"For the spiritual community who is always a source of strength for my sister, thank you so much. And finally, we thank the Lord for creating the one and the only Miriam Defensor-Santiago."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan sa malalapit na pamilya at kaibigan ng dating senadora ang dumalo sa kanyang libing sa pangunguna ng kanyang asawa at former interior and local government undersecretary na si Narciso "Jun" Santiago.

Naroon din ang Kapuso actress na si Heart Evanglista-Escudero na tumuturing sa senadora bilang kanyang pangalawang ina. Si Miriam ang nagpakilala kay Heart at sa asawa nitong si Sen. Chiz Escudero.

Namataan din sa huling funeral mass ang running mate nito para sa 2016 elections na si Sen. Bongbong Marcos, Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos, dating senador na si Kit Tatad, at ang chief legal counsel ni Pres. Rodrigo Duterte III na si Atty. Salvador Panelo.

Sa ulat ng GMA News, nagtungo rin si Pres. Duterte sa huling gabi ng burol ni Miriam sa Immaculate Conception Cathedral. Dumating ito bago mag-2:00 a.m. at umalis din matapos ang mahigit isang oras.

Dumagsa rin ang mga taga-suporta ni former senator Miriam sa sementeryo upang magbigay pugay dito sa huling pagkakataon.

Si Fr. Aris Sison naman ang nag-officiate ng burial rites ni former senator Miriam sa Loyola Memorial Park.

Binigyan din ng 21-gun salute si Miriam bago ito tuluyang inilibing.

Isang helicopter din ang dumaan at nagpasabog ng confetti sa Loyola Memorial Park.

Nagpalipad din ng mga puting lobo at kalapati pagkatapos ng libing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN