Presidential Communications Secretary Martin Andanar still considers himself a newsman

IMAGE Noel Orsal

Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar reveals President Rodrigo Duterte's unconventional communications style: "Ang estilo po ng ating pangulo ay hindi po ito nahuhulog dun sa standard, conventional playbook ng mga communications manager kaya challenging po. Pero kami naman ay nandito para mag-adjust para sa pangulo."

 


“Bagamat nasa kabilang bakod tayo, I still consider myself as a newsman,” pahayag ni Martin Andanar na Secretary ngayon ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

“Nasa kabilang bakod” daw si Martin, dahil nagsimula siya sa kanyang career bilang newscaster/mediaman sa GMA-7, tumawid sa NBN/PTV-4 pansumandali hanggang sa lumipat sa TV5 (bilang broadcaster at news executive), bago naging PCOO Secretary noong maupo bilang Presidente ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaya bilang paglingon sa kanyang pinanggalingan, isang presscon ang ginanap noong Martes, September 21, sa Max’s Restaurant sa Quezon Avenue kunsaan masayang nakasalo ni Secretary Andanar ang mga kaibigan niya mula sa entertainment media.

NEW CHALLENGES. Ano ang mga pagbabago sa buhay niya ngayong PCOO Secretary na siya?

“Salamat ho sa tanong.

“Malaking pagbabago dahil ngayon ho ay tayo ho ay tagapamahala ng Presidential Communications Office.

“Ito po ang opisyal na communications office ng pangulo so mabigat ho na responsibilidad.

“Dahil kung ano po'ng sasabihin namin, kung papaano kami magpapaliwanag, e doon po kukunin ng mamamayan yung mga bagay-bagay na hindi po klaro sa kanila.

“Lalung-lalo na po pagdating sa mga polisiya ng gobyerno.

“Number two, siyempre tayo po ay taong-gobyerno na at pinapasahod po tayo ng taumbayan gamit yung buwis ng bayan.

“So kung gaano po tayo kaingat noong tayo ay nasa pribadong sektor, mas maingat ho tayo ngayon dahil dugo at pawis ng bawat mamamayan ang nagpapasuweldo sa amin.

“At nung tinanggap ko po ang trabaho na ito, alam ko na ang trabaho na ito ay 24/7.

“At everytime na meron [akong] text na natatanggap, e parang akala ko e, pakiramdam ko e may sunog,” at tumawa si Secretary Andanar.

“So it’s very stressful.

“It’s very challenging, pero ang masasabi ko lang ho ay bilang dating mamamahayag at newscaster, broadcaster, executive ng telebisyon, alam ko kung ano ang pakiramdam ng nasa kabilang bakod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At alam ko na hindi naman ho lahat nabibigyan ng pagkakataon na ‘mahagis' sa kabilang bakod at maranasan kung ano yung pakiramdam.

“So ngayon alam ko na rin ho kung ano ang hitsura sa kabilang bakod at alam ko na rin ho kung anong pakiramdam ng nandito sa kinauupuan ko.

“Sabi nga nila, a person’s stand will depend on where he is sitting,” at tumawa si Secretary Andanar.

“Alam ko hindi ho ganun kadali yung trabaho at ang akin lamang…

“Siguro masasabi kong magandang bagay na mangyayari dito is that lahat ng pagod, pawis, dugo ay para sa bandila, para sa bayan, para sa Presidente, para sa tao.

“So every second, bawat segundo ng trabaho dito ay worth it kasi nga ay para sa bawat Pilipino.”

DUTERTE'S UNCONVENTIONAL COMMUNICATIONS STYLE. Paano maglingkod para sa isang presidenteng tulad ni Pangulong Duterte?

“Very challenging po kasi ang ating pangulo ay napakagaling na communications person. He is a very good communicator.

“Tapos, ang ating pangulo din po ay may sariling estilo.

“Ang estilo po ng ating pangulo ay hindi po ito nahuhulog dun sa standard, conventional playbook ng mga communications manager kaya challenging po.

“Pero kami naman ay nandito para mag-adjust para sa pangulo.

“Meron mga konting adjustments.

“We will get there,” pangako niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN