Ex-PBA star Paul Alvarez arrested after bar brawl; faces physical injury charges

IMAGE Screengrab from Gandang Gabi Vice

Ex-PBA star Paul "Bong" Alvarez is currently detained at Quezon City Police District (QCPD) Station 10 after allegedly beating up his victim named John Mendoza in a bar scuffle in Timog Ave., Quezon City


Nakulong ngayong Linggo, October 2, sa Quezon City Police District (QCPD) Station 10 ang ex-PBA star na si Paul "Bong" Alvarez.

Kasama raw ni Bong ang kanyang live-in partner nang manggulo at makipagsuntukan ito diumano sa isang bar sa may kanto ng Sgt. Esguerra at Timog Avenue sa Quezon City base sa initial investigation, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Isang nagngangalang John Mendoza ang nabiktima umano ng pambubugbog ni Bong.

Hindi rin daw nakainom ang dating basketbolista nang mangyari ang suntukan, ngunit hindi pa alam ang dahilan kung ano ang pinagmulan ng kanilang di pagkakaunawaan.

Kasong physical injuries ang haharapin ni Bong sa pambubugbog umano nito sa biktima.

Hindi ito ang unang beses na makakasuhan ng physical injuries si Bong.

Noong 2007, ang dating beauty queen na si Gretchen Malalad at ang taxi driver na si Wilfredo Cabanlit ay nagsampa rin ng reklamong physical injuries laban sa dating basketball player.

Read: Taxi driver and lady reporter cry foul against ex-PBA cager Bong Alvarez


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN