Isa nang ganap na ama ang 32-year-old actor na si Joseph Bitangcol matapos magsilang ng isang healthy baby girl ang kanyang asawang si Frenchesca Tonson nitong Huwebes, September 29.
Pinangalanan ng mag-asawa ang kanilang panganay na Emmanuelle Sky Bitangcol.
Sa Instagram, ibinahagi ng mag-asawa ang larawan ng kanilang anak na may palayaw na Emma Sky.
Sa Facebook naman, ipinakilala ni Frenchesca sa kanyang friends at followers ang kanilang anak ni Joseph.

Isa namang kaibigan ng mag-asawa ang nag-post ng aniya'y 'family photo' nina Joseph.

Ikinasal sina Joseph at Frenchesca noong July 30, 2016.
Read: Joseph Bitangcol and non-showbiz girlfriend Frenchesca Tonson are now married
