Angelica Panganiban proud of Glaiza de Castro's Gold Record award

IMAGE @iamangelicap / @glaizaredux on Instagram

Ipinagmalaki ni Angelica Panganiban ang bagong tagumpay ng matalik na kaibigang si Glaiza de Castro. Naka-Gold na kasi ang kaibigan para sa album nitong Synthesis.


Pinarangalan ng Gold Record award ang Synthesis album ni Glaiza de Castro sa Sunday PinaSaya kahapon, October 2.

Pagkatapos ng awarding, nag-post si Glaiza ng isang mensahe sa kanyang Instagram account (@glaizaredux).

Pahayag ng Encantadia star, “Didn't really expect that from self producing 1000 copies, it'd reach more. Only because someone believed and listened to it.

“Otherwise these songs will still be buried in Garageband.

“Thanks for giving answers to my doubts, giving success to my failures and letting me do what I love that I once thought impossible.”

Kasama ni Glaiza na binigyang-parangal ang kanyang album producer na si Jay-R.

FOREVER FRIENDS. Ilang oras ang nakalipas, binati si Glaiza ng kanyang matalik na kaibigan na si Angelica Panganiban.

Noon pa man, naibahagi na ng dalawa na minsan ay nagsa-suggest si Angelica ng mga salita, linya o kaya ay mga pangungusap para sa mga binubuong kanta ni Glaiza.

Sabi ng Kapamilya actress sa kanyang IG post, “Amigah hindi ko to inakala.. hindi ko pinagdudahan ang kakayahan mo.

“Nakakataba lang ng puso ang mga nararating mo. Tigil mo na yang, emote mo sakin... tapusin mo na lahat ng pinadala ko sayo. congrats amigah! Mahal kita, with a resibo. forevs amigs.”

Tumugon naman si Glaiza dito at pinasalamatan niya si Angelica na naging bahagi at inspirasyon daw niya sa pagbuo ng naturang album.


Kasunod nito ang isang makabagbag-damdamin ding post ni Glaiza sa pagpapatuloy ng kanilang pangarap na makabuo ng mga magagandang awitin.

Aniya, “Habang pinopost ko to background music ko yung mga sinulat nating kanta. Seryoso amigah, tutuloy natin.

“Salamat sa mga salitang hindi ko kayang sabihin ngunit nagbigay inspirasyon sa mga himig na patuloy nating kakantahin. Hala, may ganun. Tawagan mo na kaya si Dong Abay?

“PS: Di ko alam kung anong connect ng litrato sa mensahe. Pero sa araw na ito, pareho tayong nag wagi. Tayo ang tunay na eehaputidi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN