Jasmine Curtis-Smith happy that her family approves of boyfriend Jeff Ortega

IMAGE Reielle Deslate

Jasmine Curtis-Smith is in Manila, locked in her showbiz commitments. Her boyfriend Jeff Ortega is in La Union minding his family's businesses. How does it work for her? "What matters most is communication. Never naman na naging issue yun sa akin… kasi clingy akong tao. Pag gusto kitang makita, kukulitin kita, mainis ka sa akin kahit ma-bad trip ka... I make it happen," she reveals.


Masaya si Jasmine Curtis-Smith dahil gusto ng pamilya niya ang kanyang current boyfriend na si Jeff Ortega.

Malaking bagay raw ito para sa kanya, lalo pa't isa diumano sa mga dahilan ng breakup nila noon ng dating boyfriend na si Sam Concepcion ay dahil tutol dito ang kapatid niyang si Anne Curtis.

Saad ni Jasmine, “Of course, always, I think hindi naman mawawala yun.

“Ang pinakaimportante is you’re happy also how everyone receives your partner.

“Kasi kung paano nila tanggapin ang partner mo, nakikita nila yun sa kilos mo, sa ngiti mo, sa mata.

“May aura ka na nararamdaman ng tao, ngayon ko lang napansin na napapansin ng tao.”

Sa isang post nga ni Jasmine sa Instagram ay makikita sa larawan ang kanyang ina na tila tinuturuang mag-surf ni Jeff, na kilalang isang mahusay na surfer.

Shorefing. ?????????? ??

A photo posted by Jasmine (@jascurtissmith) on

Kuwento ng aktres, “Malakas yung alon, wala kaming choice kundi paglaruan na lang si Mama kasi gusto niya raw mag-surf-surf.

“Sabi ko, ‘Sige, dun ka sa shore, tumayo ka diyan, mag-pose ka na nagse-surf.’

“Yun na ang surfing nila sa shore, It happened last August nung nandito si Mama.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Phiippine Entertainment Portal) at Cinema News si Jasmine sa cast pictorial ng pelikulang Baka Bukas Puwede Na, na entry sa Cinema One Originals.

NON-SHOWBIZ VS SHOWBIZ. Dahil nagkaroon na rin siya ng karelasyong taga-showbiz, masasabi ni Jasmine na may advantage ang pagkakaroon ng non-showbiz boyfriend.

Paliwanag niya, “Advantage din pag di showbiz yung partner mo, kasi nase-separate ng tao kung ano yung for show lang at yung personal relationship mo.

“Siyempre, pag showbiz, may tendency... iba-iba ‘yan, gamitan.

“Hindi kami, pero yun ang tingin ng tao, may gamitan or pampalabas lang para may ingay, gimik lang or whatever.

“Bawat kilos namin, binabatikos, masyadong pinapakialamanan ng tao.

“Kung sa amin naman, wala lang, bakit mina-magnify ng tao?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kahit okay kami, nadi-distract tuloy yung pagiging okay namin.

“Tapos nagiging topic pa siya na di naman namin dapat pag-usapan, pero dahil nailatag na, ‘Sige, ayusin na natin.’

“Talagang kailangan matiyaga kang mag-ayos, magplansta kung very showbiz ang love life mo.

“Inevitable, ganun talaga.

“Hindi naman sa masama siya, pero kailangan lang matatag kang tao.

“Bawat detail ng buhay mo, ilalantad mo, whether you like it or not.”

May komunikasyon pa ba sila ng ex-boyfriend niyang si Sam Concepcion?

Ayon kay Jasmine, “Nagkikita kami... well, not naman lagi, hindi naman kami nagko-coffee. We’re civil.

“Di ba, ba we worked on a play last year, tapos this year the same people launched a book we were part also, so nagkita kami nung launch.

“Pag may tsansa na magkasalubong kami, hindi naman kami yung tipong nag-iiwasan.

“I mean, kahit papaano naman may pinagdaanan ka with that person, ano, itapon mo na lang?

“I’m not that type of person na nandiyan siya, I’ll say hi kundi ko naman feel na makipag-usap.

“Wala naman kaming pag-uusapan, di hindi.”

SEPARATE LIVES. Sa isang banda, sa La Union naninirahan si Jeff na galing sa political clan ng mga Ortega at may mga negosyo doon.

Nasa Manila naman si Jasmine at abala sa taping at shooting.

Pero ayon sa aktres, hindi isyu sa kanila ng kasintahan ang kakulangan sa oras at panahon.

“With Jeff, even before naman wala. I think what matters most is communication.

“Thank God at may social media, may What’s Up app and Viber, at kung anu-anong mga chat messaging applications.

“Thank God at may ganun, kasi nakakatulong talaga siya… yung isa natulog na di mo nakausap, mati-text mo naman siya.”

Dagdag pa niya, “Never naman na naging issue yun sa akin with anyone ever, kasi clingy akong tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag gusto kitang makita, kukulitin kita, mainis ka sa akin.

“Kahit ma-bad trip ka, basta makita kita, I make it happen.”

ANNE AND ERWAN. Nausisa rin kay Jasmine ang tungkol sa long-term relationship ng ate niyang si Anne Curtis at ng boyfriend nitong si Erwan Heussaff.

Halos lahat ng barkada ni Anne ay nagsipag-asawa, at kamakailan nga ay ikinasal sa Italy ang kaibigan nitong si Isabelle Daza.

Naniniwala naman daw si Jasmine na mauuwi rin sa kasalan ang relasyon nina Anne at Erwan.

“Oo, in God’s time, matutuloy din 'yan.

“Sa Kanya lang yun, wala sa atin yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN