Mark Anthony Fernandez arrested for illegal possession of 1 kilo of marijuana

IMAGE File photo

Actor Mark Anthony Fernandez arrested for possession of 1 kilo of marijuana at a police checkpoint in Angeles, Pampanga.


Nahulihan ng isang kilong marijuana ang aktor na si Mark Anthony Fernandez sa isang checkpoint sa Angeles, Pampanga, ngayong gabi, October 3.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, kasalukuyang naka-detain sa Station 6 ng Angeles City Police ang anak ni Alma Moreno at ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez matapos makuhanan ng ilegal na droga.

Matatandaang minsan na ring nasangkot sa ilegal na droga si Mark Anthony.

Sa katunayan, boluntaryo siyang pumasok sa Bicutan Rehabilitation Center noong 2004.

Matapos nito ay bumalik din siya sa trabaho sa showbiz.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anunmang pahayag na nais iparating ni Mark Anthony o ng kanyang mga kamag-anak tungkol sa insidenteng ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN