Buboy Villar expresses undying love for fiancée with a tattoo

IMAGE Noel Orsal / Buboy Villar Instagram

Robert "Buboy" Villar shows his love for his fiancée Anggilyn Serrano Gorens via his tattoo on his back.


Forever na raw ang pagmamahal ng Kapuso young actor na si Robert “Buboy” Villar para sa kanyang fiance na si Anggilyn Serrano Gorens dahil pina-tattoo na niya ang pangalan nito sa kanyang likod.

Sa isang photo na pinost ni Buboy sa kanyang Instagram noong September 30, ipinakita ng 18-year-old actor ang kanyang tattoo na malaking cross na may pangalan na “Robert” at “Angi.”

Mayroon ding puso sa pinakababa ng cross.

Robert V ?? Angillyn G ????

A photo posted by Buboy Jr Villar (@buboyvillar) on

Dahil sa matinding pagmamahalan nilang dalawa, hindi nagdalawang-isip si Buboy na maging bahagi ng kanyang katawan ang pangalan ng babaeng mahal niya.

Nilagyan pa ito ng caption ni Buboy na: “Robert V ? Angillyn G.”

Nag-comment naman agad si Angillyn sa pinost na ito ni Buboy: “At ang hot talaga ng hubby ko... in love na inlove ako hehehehe!! -rak!”

Next year na ang planong pagpapakasal nina Buboy at Angi, at baka sa Amerika ito maganap dahil U.S. citizen si Angi.

Pero magkakaroon din daw ng isang simpleng kasalan dito sa Pilipinas.

ILoveYou! Imissyou! ?????????? @_angiloove

A photo posted by Buboy Jr Villar (@buboyvillar) on



Maraming plano si Buboy para sa mahabang pagsasama nila ni Angi, kaya todo-kayod ito sa trabaho para matupad niya ang pangako sa kanyang fiance.

Kasama na rito ay ang pagpapatayo ng sarili nilang bahay.

Kaya nagpapasalamat si Buboy na bahagi siya ng primetime telefantasya na Encantadia bilang si Wantuk.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN