Beauty Gonzalez on non-showbiz partner: "We can get married any time we want."

IMAGE Noel Orsal

Beauty Gonzalez: "Parang if someone asked me [about getting married], I don't wanna really talk about it. Kasi baka mausog at mag-expectorant [expect] na naman ako, di ba? So if it'll happen, then it'll happen."


Wala raw magiging problema sakaling magdesisyong magpakasal si Beauty Gonzalez at ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Norman Crisologo, isang art curator.

Pero hindi raw sila nagmamadali.

Ayon sa Kapamilya actress, “We’ve talked about it.

“I’m not in a position to say something kasi it’s not yet happening.

“And sana it will happen. At least we’ve been talking about it.

“Ayokong magsalita, baka mausog.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Beauty sa press conference ng pelikulang The Third Party, na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Sam Milby, at Angel Locsin.

Ginanap ang presscon noong September 28 sa ABS-CBN compound, Quezon City.

Dugtong ni Beauty sa tanong kung kailan sila magpapakasal ng boyfriend, “Whatever plan he has, I hope it’ll work.

“Kasi for now, we’re focused on the baby. I just gave birth seven months ago.

“Ayoko pa naman ng maraming drama. Go with the flow.

“If he proposes to me, everyone will know about it.

“Yun naman talaga ang dream nating lahat.”

Sundot ng PEP, legal bang ikasal sa kanya ang kanyang boyfriend?

“He is,” pagkumpirma ni Beauty.

“Actually, we can get married any time we want, but we just wanna do it the right way, the proper way.”

Hindi rin daw isyu sa kanya kung hindi pa sila nagpapakasal.

THE 'PROPOSAL.' Ikinuwento rin ni Beauty ang ilang pagkakataong akala niya ay magpo-propose na sa kanya ang boyfriend.

“Nakakatawa, kasi one time, I thought he was gonna propose to me, but it was a promise ring with diamonds.

“I thought it was a proposal, but it was a promise ring that he’s gonna get married with me.

“I didn’t know na may promise ring pa pala.

“Sabi niya, ‘If I’m gonna propose to you, may makikita kang drone.’

“Tapos we went to Hong Kong, may lumipad na drone, so akala ko eto na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May nagbebenta lang pala na drone!”

Nangyari ang ikatlong pagkakataong akala niya magpo-propose ang boyfriend nang ipagdiwang nila ang kanilang anniversary.

“We just celebrated our anniversary a few months ago.

“Tapos, there was a box beside me when I woke up.

“So, akala ko yun na, he’s gonna propose na.

“It was just a nice ring, pero it wasn’t like a proposal ring.

“So, parang if someone asked me [about getting married], I don’t wanna really talk about it.

“Kasi baka mausog at mag-expectorant [expect] na naman ako, di ba?

“So if it’ll happen, then it’ll happen.”

Malayo ang agwat ng edad ni Beauty at ng kanyang boyfriend.

Pero ayaw nang ibunyang ng 25-anyos na aktres ang age difference nilang magkasintahan.

Pero masaya raw si Beauty dahil gusto niya ang isang taong mature mag-isip at kausap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN