Jak Roberto and sister Sanya Lopez remember Kuya Germs on his birthday

IMAGE Noel Orsal

Siblings Jak Roberto and Sanya Lopez owe their success in showbiz to the late Master Showman, German 'Kuya Germs' Moreno.


Ginunita ng magkapatid na Jak Roberto at Sanya Lopez ang kaarawan ng pumanaw ng star builder at Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno ngayong Martes, October 4.

Pumanaw si Kuya Germs noong January 8, 2016 dahil sa cardiac arrest.

Dapat sana’y 83 years old na siya ngayon.

Binati nina Jak at Sanya si Kuya Germs sa kani-kanilang Instagram at nag-post pa sila ng mga larawan kasama ang Master Showman.

“Happy Birthday, Tatay, Thank you. We miss you,” simpleng caption ni Jak sa Instagram post niya, kunsaan kasama ang iba pang mga alaga ni Kuya Germs.

Happy Birthday Tatay, Thank you. We miss you.

A photo posted by Jak Roberto (@jakroberto) on

Mahaba at emotional naman ang ipinost na caption ni Sanya sa kanyang IG:

“Tatay, I will always remember that day when you made me part of your Walang Tulugan family.

“You told me something which I myself couldn't imagine will happen.

“Now, it's slowly happening. And I believe and feel that you're part of it.

“Thank you, Tatay, thanks for this opportunity. Promise I'll take care of it.

“Happy Birthday!!! Miss you tatay...”’

Kapwa naging parte ng late-night Saturday variety show ni Kuya Germs na Walang Tulugan With the Master Showman sina Jak at Sanya.

Sa naturang show daw natuto ng disiplina sina Jak at Sanya. Kahit daw nasa background lang sila, maaga silang dumarating sa studio at lahat ng pangaral ni Kuya Germs ay pinakikinggan at isinasapuso nila.

Naging worth it naman daw ang pagiging bahagi nila ng show ni Kuya Germs dahil doon sila napansin, at dahil na rin sa pag-push sa kanila ng kanyang “Tatay” ay nabigyan sila ng malaking break ng GMA Network.

Si Sanya ay isa sa mga bida ng primetime series na Encantadia, kunsaan ginagampanan niya ang papel na Sang’gre Danaya.

Nagbida na rin siya sa isang episode ng Magpakailanman, kunsaan ginampanan niya ang role ng nanalo ng isang milyong pisong premyo sa Wowowin na si Shayne Jones.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jak naman ay isa sa pinaka-busy na hunks ngayon ng Kapuso network dahil sa mga kinabibilangan niyang shows na Bubble Gang, Dear Uge, at URL: Usapang Real Love.

Parehong very grateful sina Jak at Sanya kay Kuya Germs dahil winelcome sila sa show nito noong nagsisimula pa lang sila.

Sa isang interview kay Jak, sinabi nitong nanghihinayang siya na hindi na naabutan ni Kuya Germs ang pagbibigay sa kanya ng break ng GMA-7.

Utang na loob daw niya lahat ito sa Master Showman.

Si Sanya naman ay sa dasal na lang idinadaan ang pasasalamat kay Kuya Germs dahil alam niyang ilang beses siyang ipinaglaban nito para mabigyan ng ibang show sa GMA-7.

Ang iba pang naging produkto ng Walang Tulugan na nabigyan ng break ng Kapuso network ay sina Jake Vargas, Ken Chan, Hiro Peralta, at Prince Villanueva.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN