Miguel Tanfelix honored to be role model for teens

IMAGE Noel Orsal

Miguel Tanfelix takes his role as image model for youth seriously: "Lagi ko pong sinasabi na mag-aral sila, pagbutihan nila. Kasi doon sila makakapagdesisyon kung ano ang tamang gagawin sa buhay nila."


Aminado si Miguel Tanfelix na hindi madali sa mga kabataan na umiwas sa tukso ng sigarilyo, alak, drugs, at sex.

Pero kapag malakas daw ang paniniwala nila sa tamang gawain, walang puwang sa buhay nila ang mga bisyong hindi makakatulong sa kanila.

Ehemplo na nga mismo si Miguel.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “May mga taong pinipilit ako na gawin ang mga bagay-bagay.

“Sinasabi nila na, ‘Migs, 18 ka na, subukan mo na ito!’ o di kaya ‘Migs, gawin mo na para maging tunay na lalaki ka’.

“Hindi ko naman po kailangan gawin ang hindi ko gusto para lang mapatunayan na lalaki ako.

“Marami naman pong puwedeng gawin para mapatunayan ko yun, di ba?

“Mabuti na lang at wala talaga akong interest sa mga yun.

“Lagi kong nasa isip ay ang kung ano ang sasabihin ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko, at ang mga taong nagtitiwala sa akin.

“Hindi ko naman kailangan mag-experiment para lang ma-satisfy ang curiosity ko sa iba’t ibang gawa.

“May tamang panahon para sa ibang bagay at iwasan na lang ang mga hindi dapat.

“Aware po ako sa negative effects ng mga vices at hindi ko po kailangan subukan pa ang mga ‘yan.”

GOOD BOY. Sports, pagsasayaw, pag-arte, at ang bumiyahe kasama ang kanyang pamilya ang mga interes ni Miguel.

Saad ng Usapang Real Love star, “Hilig ko po ang maglaro ng basketball, doon ko po nilalabas ang lakas ko.

“Tapos passion ko po ang umarte, bata pa lang ako, na-expose na ako sa mga TV shows at sa harap ng maraming tao.

“Isa sa specialty ko ay ang dancing, ibang Miguel po ako kapag sumasayaw na ako.

“Hataw talaga kasi isa 'yan sa mga gusto kong gawin talaga.”

Patuloy rin ang pag-aaral ni Miguel sa De La Salle University-Dasmarinas, sa Cavite, kunsaan kumukuha siya ng kursong Entrepreneurship.

Dream ni Miguel ang magtayo ng sarili niyang negosyo habang malakas pa ang kita niya sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap po ang pagsabayin ang school at trabaho, pero kailangan po magsakripisyo ako.

“Gusto ko pong makatapos talaga, gusto ko pong maging businessman.

“Yung may mga hawak na negosyo para makatulong sa maraming tao.

“Alam ko po na ang showbiz ay hindi permanent kaya maganda po iyong may natapos ako.

“In the future, kapag hindi na ako masyadong lumalabas sa TV, may business akong pinapatakbo.”

ROLE MODEL. Maganda ang pananaw ni Miguel sa buhay kaya bukod sa kanyang pagiging Kapuso actor, isa rin siyang role model para sa mga kabataan.

Kahihirang lang niya bilang ambassador ng U4U ng Commission on Population at ng United Nations Population Fund.

Malaking karangalan daw ito para kay Miguel.

Saad niya, “Alam ko po na hindi madali ang role na yun.

“Kailangan lahat ng gawin mo ay tama, gusto ko rin naman po ang ginagawa kong ito.

“I want to maintain a clean image para maging magandang example ako sa henerasyon ngayon.”

Kung hindi nga siya busy sa kanyang mga show ay nagbibigay si Miguel ng inspirational talk sa mga estudyante sa iba’t ibang eskuwelahan.

“Lagi ko pong sinasabi na mag-aral sila, pagbutihan nila.

“Kasi doon sila makakapagdesisyon kung ano ang tamang gagawin sa buhay nila.

“Iwasan nila ang bawal at maghintay sa tamang panahon para gawin ang mga tama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN