Nathalie Hart not ready to give up showbiz career for love

IMAGE Noel Orsal

Nathalie Hart: "Ang dami kong naiisip, I still wanna get a short course. I still want to take fashion designing sa jewelry, sa New York."


Iba’t ibang aktor na ang naka-love scene ni Nathalie Hart sa pelikula.

Wala bang magseselos?

“Bahala na sila, ako, walang magseselos,” mabilis na tugon ng StarStruck alumna na unang nakilala bilang Princess Snell.

Loveless siya ngayon?

Ayon kay Nathalie, “I had someone but, well, I don’t know because he doesn’t live here.

“So, I’m not going to just say itapon ko na lang ang lahat ng pinaghirapan ko and go there.

“So, for me, there’s no point to stay in that kind of relationship, ayaw rin niya akong mag-artista.”

Lebanese daw ang guy at nakatira sa Dubai.

“They don’t understand, they would never accept it.

“If I had a kissing scene, ayaw ko naman na babalik ng bahay at maiiyak na lang, thinking about his feeling.

“At the end of the day, what I’m doing is my job.

“I have to think about him and think about my job?

“I don’t think that’s gonna work for me.”

Nakilala raw niya ang Lebanese guy nang ginagawa na niya ang launching movie niyang Siphayo.

“Nagawa ko na yung mga three, four shooting days dito.

“For me, I will never cancel a movie just because of a guy… I will always take my career over him.

“It’s a different story if we’re together for four, five years and he wants to settle down with me.

“Ganito lang ‘yan, e, kung ang lalaki wants to settle down, okay.

“What am I gonna get from that? Nothing.

“At saka, I’m not in the mood… to settle down, I’m just starting to enjoy my life, enjoy myself.

“Parang ang dami kong naiisip, I still wanna get a short course.

“I still want to take fashion designing sa jewelry, sa New York.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nathalie sa pocket presscon niya sa Blue Rockets Cafe, sa Quezon City, nitong Lunes, October 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COMFY WITH JC. Samantala, kahit na alam ni Nathalie na may frontal nudity siya sa Siphayo, ibang-iba raw pala kapag ine-execute na ito.

Ganun na lang daw ang pagkagulat niya sa love scene nila ni Luis Alandy sa pelikula.

Kuwento ni Nathalie, “Noong mineet ko si Direk Joel [Lamangan]… he said, ‘You read the script?’

“‘Yes, of course.’

“‘Then we have to show your boobs.’

“But the thing is, I didn’t know that there’s a butt exposure, too.

“Iba kasi ang director, depende sa kung paano nila ie-execute ang scene.

“So, doon ko na lang nalaman na ganun ang gusto niyang gawin.

“I guess, at the end of the day, you have to trust your director na lang din.

“If you don’t trust your director, you cannot do your job great na.

“Anyway, Direk Joel is Direk Joel.”

Natatawang sabi pa ni Nathalie, ito siguro ang boldest movie niya. Hindi raw yata niya magagawang imbitahan ang mommy at pamilya niya na panoorin ito.

Si Nathalie na rin ang nagsabing sa mga naging ka-love scene niya, sa Kapamilya actor na si JC de Vera raw siya nag-enjoy.

Si JC ang leading man niya sa Cinema One Originals entry na Tisay.

Aniya, “I think, kung kanino mas nag-enjoy ako na ka-kissing scene ko, it would be JC.

“Kasi I’m more comfortable with him and he’s more good-looking.

“Hindi naman sa hindi ko na-enjoy ang mga nakatrabaho ko, pero yung comfortable, it would be him [JC].

“Noong ginagawa namin ang scene, I’m more comfortable with him.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN