Mark Anthony Fernandez's arraignment suspended

IMAGE Mav Gonzales on Twitter

Hindi natuloy ang pagbasa ng sakdal sa aktor na si Mark Anthony Fernandez ngayong araw, October 6, matapos maghain ng mosyon ang kanyang kampo na suspendihin ang arraignment at magkaroon ng panibagong imbestigasyon tungkol sa reklamo.


Hindi natuloy ang pagbabasa ng pormal na sakdal sa aktor na si Mark Anthony Fernandez ngayong Huwebes ng umaga, October 6, sa Angeles City Regional Trial Court (AC-RTC) at Angeles City Municipal Trial Court (AC-MTC).

Sa Angeles City Municipal Trial Court sana babasahan ng sakdal ang aktor para sa civil disobedience matapos niyang takasan diumano ang checkpoint sa Pampanga.

Sa Angeles City Regional Trial Court Branch 60 naman sana babasahan si Mark Anthony ng mga reklamong may kaugnayan sa RA 9165 o Violation of the Dangerous Drugs Act of 1992.

Ayon sa ulat ni Mav Gonzales ng GMA News, naurong sa ibang petsa ang arraignment kasunod ng paghain ng mosyon ng kampo ng aktor na suspendihin ang arraignment.

Kasunod nito ang kanilang hiling sa korte na magkaroon ng re-investigation kaugnay ng kinahaharap na reklamong kriminal ng aktor matapos mahuli sa kanyang sasakyan ang isang kilo ng marijuana.

Dagdag pa sa ulat, naghain din ng mosyon ang kampo ni Mark Anthony na ilipat siya sa Pampanga Provincial Jail mula sa Angeles City Police Station 6 Jail dahil masyado daw masikip ang naturang kulungan.

Ayon pa sa ulat, maagang dumating sa korte si Mark kasama ang ina nitong si Alma Moreno at dalawang kapatid.


Nahaharap si Mark Anthony sa posibleng habang buhay na pagkabilanggo dahil sa patung-patong na reklamo kaugnay ng illegal position of marijuana.

Read: Mark Anthony Fernandez may face lifetime imprisonment over alleged illegal possession of marijuana


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN