Rosanna Roces named as alleged mistress of high-profile Bilibid inmate

IMAGE Noel Orsal

Nadawit ang pangalan ng aktres na si Rosanna Roces sa imbestigasyon ng Kongreso tungkol sa drug trade sa National Bilibid Prison


Nadawit ang pangalan ng aktres na si Rosanna Roces sa imbestigasyon ng Kongreso tungkol sa drug trade sa National Bilibid Prison (NBP).

Base ito sa binasang manifestation ng sinasabing “government asset” na si Nonite Arile sa Kongreso ngayong Huwebes, Oktubre 5.

Nailathala ang video ng testimonya ni Arile sa ABS-CBN News Online.

Sa isang bahagi ng kanyang salaysay, tinukoy ni Arile ang isang nagngangalang Vicente Sy na diumano’y sangkot sa drug trade sa NBP.

Si Sy ay isa sa high-profile Bilibid inmates na diumano’y gumamit ng shabu bago nasangkot sa rambol noong September 28, 2016.

Dagdag ni Arile patungkol kay Sy: “Kabit niya ang artista na si Rosanna Roces, alyas Osang. Protektor niya ang mga PDEA sa Quezon City.”

Ang tinukoy ni Arile na PDEA ay Philippine Drug Enforcement Agency.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag si Rosanna sa pamamagitan ng pag-iwan ng mensahe sa kanyang Facebook account.

Ngunit hindi pa sumasagot ang aktres sa ngayon.

Mananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag ni Rosanna hinggil sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN