Rosanna Roces denies being a mistress of an alleged Bilibid drug lord; admits bringing women to Sy

IMAGE Rosanna Roces's Facebook

An excerpt from Rosanna Roces's October 6 Facebook post: "Hindi droga ang business ko sa Bilibid. Monterey....taga deliver ng karne. Isang tao lang ang kausap ko dun. Yung sinasabi nilang si Vicente Sy."


Pinabulaanan ni Rosanna Roces ang balitang kabit siya ng isang high-profile Bilibid inmate na si Vicente Sy.

Pahayag ni Rosanna, “Paanong magiging mistress eh babae ang dinadala ko ke Enteng.

“Kada hatid ko ng babae ay 25k ang binibigay sa akin.

“Kahit na reject pa ang babaeng dalhin ko.”

Base ito sa Facebook post ni Rosanna kasunod ng testimonya ng government asset na si Nonito Arile sa Kongreso ngayong Huwebes, Oktubre 6.

Ayon kay Arile, si Sy ay isa sa mga diumano'y drug lord sa loob ng National Bilibid Prison (NBP).

Tinukoy rin ni Arile si Rosanna bilang kabit diumano ni Sy.

Read: Rosanna Roces named as alleged mistress of high-profile Bilibid inmate

PAST TRANSACTIONS IN BILIBID. Sa pagpapatuloy ng kanyang Facebook post, nilinaw ng aktres na ang tanging pakikipagtransaksiyon niya kay Sy ay ang pagdadala ng babae sa loob ng NBP.

Dagdag ni Rosanna, tatlong taon na raw ang nakalipas mula noon.

Paliwanag ng beteranang aktres, “Kung naging mistress ako di sana nabayaran ko ang 2M na talo ko sa kaso sa GMA.

“Di na sana ako nagpapakahirap magtrabaho ngayon. Baka producer na ako.

“Hindi droga ang business ko sa Bilibid. Monterey... taga-deliver ng karne.

“Isang tao lang ang kausap ko dun. Yung sinasabi nilang si Vicente Sy.

“Madaling magtahi ng kuwento pero mahirap ang magpatunay.”

Minsan na raw nakapag-concert ang beteranang aktres sa loob ng NBP kaya may iba pa siyang inmate na nakilala roon.

Lahad ni Rosanna, “Dun ko na-meet si Jaybee Sebastian dahil na-interview ako o nahingian ng mensahe sa kanyang BTV o Bilibid TV..

“Other than that, wala na akong naging dahilan para bumalik.

“Lalo na nung ang nadala ko palang babae ay may sakit.”

Si Jaybee Sebastian ay kapwa-Bilibid inmate ni Sy na nasangkot sa rambol noong September 29.

Si Sebastian ay isang gang leader at itinuturong drug lord diumano sa loob ng NBP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN