Renz Fernandez to half-brother Mark Anthony: "You are in my prayers, kind brother."

IMAGE Noel Orsal (Renz)/Instagram photo (Renz Fernandez)

Nag-post ng maiksi ngunit makahulugang mensahe si Renz Fernandez para sa kanyang half-brother na si Mark Anthony Fernandez, na naaresto kamakailan dahil sa umano'y pagtataglay ng isang kilong marijuana. (Right photo) Young Mark Anthony (rightmost) with the young Renz.


Isang maikli ngunit makahulugang mensahe ang ipinost ni Renz Fernandez para sa kanyang half-brother na si Mark Anthony Fernandez kaugnay ng kinahaharap na pagsubok nito.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Renz ang childhood photo nilang dalawa ng Kuya Mark niya.

Caption ni Renz dito: “You are in my prayers, kind brother.”

You are in my prayers kind brother

A photo posted by Renz Fernandez (@renzmarionf) on

Si Renz ay bunsong anak ni Lorna Tolentino at ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

Si Mark naman ay anak ni Rudy sa aktres na si Alma Moreno.

Nakatatandang kapatid ni Renz si Ralph at pareho ring sumabak sa showbiz gaya ni Mark.

Ilan sa mga proyektong ginawa ni Renz ay ang Prinsesa ng Buhay Ko (2013), Yagit (2014), Little Nanay (2015), at Poor Senorita (2016) na pawang ipinalabas sa GMA Network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN