Alma Moreno requests for prayers for son Mark Anthony Fernandez

IMAGE @mavgonzales on Twitter / Alma Moreno on Facebook

Nanawagan sa publiko si Alma Moreno ng dasal para sa anak na si Mark Anthony Fernandez, na nakapiit ngayon sa Angeles City Jail dahil sa reklamong illegal possession of marijuana. Ito raw ay makakatulong sa kanyang panganay na anak.


Sinamahan ng aktres at dating pulitiko na si Alma Moreno ang anak na si Mark Anthony Fernandez sa arraignment nito sa Angeles City Regional Trial Court Branch 60 (AC-RTC) at Angeles City Municipal Trial Court 1 (AC-MTC) sa Pampanga kaninang umaga, October 6.

Nakatakdang basahan sana ng mga sakdal si Mark Anthony kaugnay ng pagkakaaresto sa kanya dahil sa isang kilo ng marijuana na natagpuan diumano sa kanyang sasakyan.

Pero hindi natuloy ang arraignment dahil nag-mosyon ang kampo ng aktor na suspendihin muna ang pagdinig at magbukas ng panibagong imbestigasyon sa mga kasong kriminal na kinahaharap nito.

Pinagbigyan naman ito nina Judge Eda Era ng AC-RTC at Judge Irineo Pangilinan Jr. ng AC-MTC.

Read: Mark Anthony Fernandez's arraignment suspended

Itinakda ang arraignment ni Mark Anthony para sa ilegal na droga sa October 24 at sa pagtakas sa checkpoint o disobedience sa November 17.

Samantala, ibinasura naman ni Judge Era ang isang inihaing reklamo kay Mark Anthony na possession of drug paraphernalia dahil wala raw ito sa listahan ng mga nakumpiska ng pulis mula sa aktor.

ALMA ASKS FOR PRAYERS. Sa ulat ng Aksyon ng TV5 ngayong gabi, isang maiksing pahayag lamang ang ibinahagi ni Alma sa media.

Sabi niya, “Ang hinihiling ko lang po, prayers para kay Mark. Dasal para sa anak ko.”

Ito rin ang nakalagay sa status ng aktres sa Facebook.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN