Dennis Trillo on avoiding scandals and controversies: "Good boy naman talaga ako sa totoong buhay."

IMAGE Noel Orsal

Dennis Trillo and life and career choices: "Very minimal lang ang regrets ko. Wala akong masyadong maalaala na talagang bagay na pinagsisihan ko. Wala naman masyado kasi maingat din naman ako."


Isa si Dennis Trillo sa mga sikat na aktor ngayon, ngunit bihira siyang masangkot sa mga eskandalo at kontrobersiya.

Maingat daw siya, hindi katulad noong kabataan niya.

Pahayag ng Kapuso actor, “Wala, e, kasi good boy naman talaga ako sa totoong buhay.

“Kung ano yung mga ano ko dati… siyempre nagawa ko yun dahil kasalanan ng mga kabataan.

“Kapag nagma-mature ka, alam mo na kung paano itama ang sarili mo… kung paano umiwas sa gulo.”

Samantala, ikinatuwa ni Dennis ang sinabi ng direktor na si Jun Lana na may chemistry at rapport sila ni Anne Curtis sa mga eksena nila sa Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?, ang pelikula ng Viva Films na mapapanood sa mga sinehan simula sa October 19.

Aniya, “First time ko to work with Anne, dream come true din dahil matagal ko na siyang gusto na makatrabaho.

“So, ayun, finally nagkatotoo at perfect project din dahil first time ko rin na gumawa ng ganitong pelikula na light lang, rom-com.”

Itinuturing ni Dennis ang sarili na masuwerte, at may plano rin daw siyang maging direktor balang-araw.

“Siguro kapag nagawa ko na lahat, mag-iiba ako ng landas pero sa filmmaking pa rin. Mag-aaral pa ako.

“Masuwerte ako na nagkaroon ako ng ganitong trabaho na nandito kami sa ganitong posisyon.

“Very thankful ako na nangyayari ang lahat ng ito dahil hindi naman lahat ng artista nagkakaroon ng ganitong klase ng project, makakatrabaho si Anne, si Paolo Ballesteros… very thankful ako sa lahat ng mga nangyayari.”

Dagdag pa niya, “Very minimal lang ang regrets ko.

“Wala akong masyadong maalaala na talagang bagay na pinagsisihan ko.

“Wala naman masyado kasi maingat din naman ako.

“Pinipili ko ang mga projects na feeling ko makakatulong din sa akin.”

Pinarangalan noong Setyembre si Dennis ng Asian Star Prize sa Seoul International Drama Awards sa South Korea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN