Andi Eigenmann responds to netizen telling her to be sorry about her past mistake

IMAGE Noel Orsal

Andi Eigenmann's to a netizen: "The point is that I don't know you and you, unlike they are, aren't a part of my life to be in a position to give me advice as though I actually have not, more so to know exactly what I should be sorry for."


Hindi pinalampas ni Andi Eigenmann ang patuloy na pambabatikos na natatanggap niya mula sa kanyang Instagram feed.

Sa Instagram post ni Andi kagabi, Oktubre 6, isang netizen ang nagkomento na hindi dapat ipagsawalang-bahala ng aktres ang mga taong nadawit sa isyu tungkol sa tunay na ama ng kanyang four-year-old daughter.

Matatandaang si Albie Casino ang itinuro ni Andi na siyang ama ng kanyang dinadala noon. Ngunit itinanggi ito ng kampo ng young actor.

Read: Andi Eigenmann names Albie Casino as the father of her child




Sa parte ni Andi, nagpahiwatig ang aktres na humingi na siya ng dispensa sa mga nasangkot noon sa isyu.

Sabi ng Kapamilya actress: “No offense @lcamins2679 but how do you know I have not?

“The point is that I don’t know you and you unlike they are, aren’t a part of my life to be in a position to give me advice as though I actually have not, more so to know exactly what I should be sorry for.”


Iginiit din ni Andi na walang karapatan ang sinuman na husgahan kung ano man ang desisyon niya sa buhay.

Lalo pa’t tanging siya at ang mga sangkot sa isyu ang nakakaalam kung ano ang totoo.

“The point is that as much as I am a public figure, I’ m still human just like you are, and there is a whole side of me that has always stayed outside of the spotlight, which if anything, deserves to stay there, specially because there are other people involved.

“The point is that none of you are in any position to judge or advice me to do something when you actually only know what is fed to you by the media, or what the turn of events have made everything out to be.

“So thank you for your advice, but I’d rather take it after you have actually been around both our lives to know the real story.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Kaugnay ito ng naunang pahayag ni Andi na nanatili siyang matatag sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan niya.

Read: Andi Eigenmann moves forward after paternity issue: "I have nothing to explain."

Matatandaang mismong ina ni Albie na si Rita Casino ay nagsabing hindi na kailangan ng public apology mula kay Andi.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nailathala noong September 29, sabi ni Mrs. Casino: “Alam mo, the public apology, dami ngang humihingi nun, di ba? For us, okay na, kasi we’re vindicated."

Read: Albie Casio's mom on public apology from Andi Eigenmann: 'Okay na, kasi we're vindicated.'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN