Sabrina M, Krista Miller undergo rehabilitation; tend vegetable garden in Camp Karingal

IMAGE QCPD PIO

Ang paghahardin ang pinagkakaabalahan ngayon nina Sabrina M, Krista Miller, at iba pang modelong nakakakulong sa Quezon City Police District. Bahagi raw ito ng kanilang detoxification process.


Walang special treatment sa mga artistang sina Sabrina M. at Krista Miller, na kasalukuyang nakakulong sa Quezon City Police District (QCPD) dahil sa ilegal na droga.

Katunayan, sina Sabrina at Krista, kasama ang iba pang mga modelong nakakulong dahil sa ilegal na droga, ang nag-aalaga ngayon sa vegetable garden ng QCPD sa Camp Karingal.

Sa ulat ng GMA News Online kahapon, October 6, sinabi ni QCPD chief of police Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar na ito ay bahagi ng kanilang detoxification habang hinihintay ang court order kung saan na sila permanenteng ikukulong.

Pahayag ni Senior Supt. Eleazar, “Habang naghihintay ng commitment order para sa jail facilities na kanilang pupuntahan, nag-detoxify sila ngayon, gardening and then exercise, then nagpapaaraw.”

Malaki raw ang naitulong sa kalusugan nina Sabrina, Krista, at iba pa ang pagbubungkal ng lupa sa hardin.

Dagdag pa ng pinuno ng QCPD, “For the past few days, parang nag-improve na ang kanilang physical appearance.

“Parang exercise na rin nila 'yan, maganda yung naaarawan din.

“Hindi na sila under the influence of drugs kaya unti-unti [bumabalik yung ganda nila].

“Parang forced rehabilitation ito, e. So wala talaga silang access sa drugs.”

Hindi raw special treatment ang ipinapagawa nila sa mga naturang personalidad.

“No special treatment. Talagang nakulong sila, talagang selda ang pinupuntahan nila.

“May time naman talaga na pinapag-exercise sila para lumabas sila at maarawan, which is kailangan namang ginagawa sa mga detainees.

“Magkakasama sila, ang mga nahuli natin na celebrities and high-profile targets na binabantayan natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN