Jaclyn Jose defends daughter Andi Eigenmann from bashers; asks netizens not to involve her granddaughter

IMAGE Noel Orsal

Jaclyn Jose to bashers of her daughter Andi Eigenmann: "Puwede niyo sabihin ang gusto niyo sabihin, sana lang alam niyo ang sinasabi ko. Hindi ako palapatol, hindi niyo kilala at alam ang mga pinagdadaanan ng anak ko. Huling beses na. Itigil na ninyo ang masasakit na salita… Nalulungkot ako at mayroon kayong kanya-kanyang kuro-kuro sa taong hindi ninyo nakikilala nang lubusan."


Hindi rin pinalampas ng veteran actress na si Jaclyn Jose ang pangba-bash ng ilang bashers sa kanyang anak na si Andi Eigenmann.

Ito ay matapos sagutin ng The Greatest Love actress ang ilang netizens na nagkomento sa kanyang Instagram post tungkol sa pagmu-move on mula sa paternity issue ng kanyang four-year-old daughter.

Lumabas na rin ang katotohanan na si Jake Ejercito, at hindi si Albie Casino, ang ama ng anak ni Andi.

I have endured, I have been broken, I have known hardship, and I have lost myself. But here I stand, still moving forward, growing even stronger each day, guided by the constant blessings in my life. I guess this means I've been doing something right. I do not require validation from anyone, specially those who do not know my story-- which is why I have nothing to explain. I don't mind those who misunderstand me for they are proof that I have actually stood for something in life. I, just like any other human, will determine my own story, not anybody else. What this last obstacle has taught me is that you can't touch women who can wear pain like diamonds around her neck. Photo taken from the last #FujifilmLifeStylePhotofest by idol @jaycontr3ras. Salamat boss!????????#sanhingtrapik outfit styled by @janaranilla

A photo posted by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on

Sa comments section ay sumagot din si Jaclyn sa ilang nangba-bash at nagtatanong na IG followers ni Andi.

Ang post ng IG user na @aeia080 ang tila nag-trigger kay Jaclyn upang sumagot at mag-post ng komento.

Sa ngayon, hindi na makikita ang mga komento o pangba-bash ng naturang IG user.

Posibleng binura na rin ito agad ni Andi o blinock dahil sa sobrang hindi raw magagandang sinabi nito.

Wala ni isang post sa kanyang account si @aeia080.

Base sa komento ng Cannes-winning actress, maaaring si Albie, na unang itinuro ni Andi na siya diumanong ama ng kanyang ipinagbubuntis pa lamang noon, ang kanyang tinutukoy.

Pahayag ni Jaclyn: “To aeia080, alam mo hindi ako pumapatol sa mga ganitong comment.

“Pero sana isipin niyo na may inang nasasaktan sa mga masasakit niyo na sinasabi sa anak ko… kailan mo ako nadinig na nagsalita tungkol sa lalaking binabanggit mo?

“Kung may galit man ako sa taong yun, hindi dahil sa ibang dahilan kundi ang pananakit na ginawa niya sa anak ko.

“Wala ka dun, wala ka sa buhay na pinagdadaanan ng anak ko. Wala kayong alam. Wala kang karapatan maghusga.

“Hindi ako nagsasalita, pero uulitin ko, sana isipin niyo na may inang nasasaktan.”

LEAVE MY GRANDDAUGHTER ALONE. Nakiusap din si Jaclyn na huwag nang idawit ang pangalan ng kanyang apo na si Ellie sa mga komento ng netizens, na patuloy na nagku-comment sa recent post ni Andi sa kanyang Instagram account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ng Alyas Robin Hood actress, “Mga iha, nakikiusap ako sa inyo na ‘wag niyo na isali si Ellie sa usaping ito.

“Nagpo-post ako dahil apo ko, gaya ng ibang mga lola, tao din ako na proud sa aking apo. Magkaibang usapin yun.

“Uulitin ko, nakikiusap ako na ‘wag niyo na isali ang apo ko o ang pangalan niya sa mga comment niyo. Salamat.”

Sa ikatlong comment ni Jaclyn patungkol pa rin sa IG user na si @aeia080, “Iha, hindi na tama ang pambabastos mo sa amin. Nakikiusap ako na ihinto mo na.”

Sinagot din ng aktres ang naging comment at tanong na ito ng IG user na si @Icamins2679: “No disrespect sa iyo Ms. Jaclyn Jose but I’m just wondering, ano kaya ang na-feel ng Mommy ni Albie nung na-drag yung name niya sa issue na ito?

Tugon ni Jaclyn dito: “Icamins2679, alam mo din ba kung ano ang pakiramdam ko nang may ginawa ang binabanggit mo sa anak ko?

“Puwede niyo sabihin ang gusto niyo sabihin, sana lang alam niyo ang sinasabi ko.

“Hindi ako palapatol, hindi niyo kilala at alam ang mga pinagdadaanan ng anak ko.

“Huling beses na. Itigil na ninyo ang masasakit na salita…

“Nalulungkot ako at mayroon kayong kanya-kanyang kuro-kuro sa taong hindi ninyo nakikilala nang lubusan.

“God bless us all. I am asking for respect.”

Ilang netizens naman ang nagtanggol din kina Andi at Jaclyn.

Ayon kay @iamsassyaice: “grabe @aeia080 kung may ka PDA ano yun sa atin? Ano pakialam natin? Sino ka ba sa buhay niya? Kadugo? Nakakatawa ang ibang tao sa atin. Ganito na lang po, magrespetuhan po tayo dahl pareho po tayong mga babae… salamat po… may pinagdadaanan man si Miss Andi o wala, walang kahit sino man pwede mangdikta ano dapat niyang gawin. Dahil kahit sino sa atin, walang alam sa buong nangyayari. Thank you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni @rodriguez_jen5684: “Grabeeeeeeee sya aeia080 nakikiusap na c madam @jaclynjose tama na daw nanay ka din sabi mo nasasaktan din sya sa mga sinasabi mo kaya tama n yan…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN