Angel Locsin, Sam Milby, Zanjoe Marudo not afraid to undergo random drug testing

IMAGE Noel Orsal

Angel Locsin on President Rodrigo Duterte's campaign against drugs: "Kung kailangan ko mag-undergo ng drug test, go, why not? Pero hindi lang kaming mga artista, [dapat] mga politicians din," said Angel in an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), Friday, October 7.


Handa raw sina Angel Locsin, Sam Milby, at Zanjoe Marudo na sumailalim sa random drug testing upang patunayang hindi sila gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Kaugnay ito ng kampanya ni President Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga.

Sabi ni Angel, “I’m okay with that as long as hindi lang dahil artista kami.

“Kung kailangan ko mag-undergo ng drug test, go, why not?

“Pero hindi lang kaming mga artista, [dapat] mga politicians din.”

Ayon pa sa aktres, mas magiging epektibo ang kampanya laban sa drugs kung wala itong kinikilingan.

“Hindi lang dahil there’s news kapag artista. Kasi kawawa naman. Napaka-unfair naman.

“So, kung ipapa-drug test kami, ipa-drug test din lahat, para pantay-pantay lahat.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Angel, Sam, at Zanjoe sa blogcon ng pelikula nilang Third Party, na ginanap sa 14th floor ng ELJ Building, Quezon City, ngayong Biyernes, Oktubre 7.

Dito ay sinegundahan ni Sam ang pahayag ni Angel, at sinabing naiintindihan niya kung bakit kabilang ang showbiz personalities sa tinututukan ng gobyerno pagdating sa pagsugpo ng droga.

“People look up to artistas. They want to use artistas as an example also.”

Ayon kay Sam, sumailalim na siya ng voluntary drug test at negatibo ang resulta nito.

Dagdag niya, “If they want to do it again [I’ll do it].

“Kasi I heard sa news, [you only did it] because you know na may drug test. So, nag-prepare [ka beforehand].

“But if you ask me anytime, anywhere, I’m not scared at all.”

Suportado rin ni Zanjoe ang kampanya ni President Duterte laban sa droga.

Sabi pa niiya tungkol sa pagsailalim ng mga artista sa voluntary drug test, “Walang problema sa akin.

“Pero ang nakakalungkot, nagagamit yung laban sa drugs.

“Minsan hindi natin alam kung gobyerno pa ba ito o sindikato.”

Nababahala raw kasi si Zanjoe sa mga balita tungkol sa mga patayan kaugnay ng drug war.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ba kasi minsan may nahuhuli, may mga namamatay?

“Ang pinagbibintangan, mga pulis. Minsan kasi hindi naman na sila.

“Sana maging tama lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN