Winwyn Marquez prays for safety of half-brother Mark Anthony Fernandez: "Sana matapos na lahat."

IMAGE @wynmarquez on Instagram

Labis daw na kalungkutan ang nararamdaman ngayon ni Winwyn Marquez dahil bukod sa pagkakakulong ng kanyang kapatid na si Mark Anthony Fernandez ay namatay pa ang tumatayong ama-amahan ng nobyong si Mark Herras.


Matapos ang ilang araw na pananahimik, naghayag na ng kanyang saloobin si Winwyn Marquez hinggil sa pagkahuli at pagkakulong ng kanyang half-brother na si Mark Anthony Fernandez.

Sina Winwyn at Mark Anthony ay mga naka ng actress-politician na si Alma Moreno.

Ang ama ni Winwyn ay ang actor-politician na si Joey Marquez at ang ama naman ni Mark Anthony ay ang yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

Sa pamamagitan ng Instagram, naglabas ng tila sama ng loob si Winwyn sa mga pangyayari.

Bukod kasi sa pagkakulong ng kanyang kuya ay pumanaw din kamakailan ang tumatayong ama ng nobyong si Mark Herras.

Sabi ni Winwyn, “I don't quite understand why everything is happening at the same time. Sunod-sunod.

“I pray for my brother's safety I pray na sana matapos na lahat to.

“They don’t know how good you are to us and everyone around you and I pray for my mom's health.

“Please don’t worry too much, maayos din lahat.

“I pray for Tito Hermi's soul who left us so early at biglaan.

“Ang nag-alaga at tumayong tatay ni Mark at napamahal na din sa akin ng sobra.

“Salamat sa lahat tito.”

Nagbigay rin siya ng mensahe ng pagsuporta sa nobyo na nagdadalamhati rin ngayon.

Saad niya, “Pangga @angelo_herras you have me and i have you. We'll take care of each other.

“Sa isat isa lang tayo humuhugot ng lakas ngayon.

“Matutupad wish ni tito ga gagawin natin yun.

“I know everything will be okay...i love you so much.”

Ikinatuwa naman ni Mark ang mensahe sa kanya ng girlfriend.


LORNA, HALF-BROTHERS VISIT MARK. Samantala, sa ulat ng Aksyon ng TV5 ngayong gabi, October 7, dumalaw na raw ang stepmom ni Mark na si Lorna Tolentino sa kanya sa Angeles City Police Station 6 Jail.

Nagyakapan daw sina Lorna at Alma, na nakabantay pa rin sa anak sa kulungan habang hinihintay nila ang commitment order ni Mark para mailipat na ito sa Pampanga Provincial Jail.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama ni Lorna na dumalaw ang dalawang anak na sina Renz at Rap Fernandez. Pero hindi na sila nagbigay ng anumang panayam sa media.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN