Is Dennis Trillo willing to wait six years for Jennylyn Mercado?

IMAGE Noel Orsal

When Dennis Trillo was asked if he is willing to wait for Jennylyn Mercado for six years before she is ready to get married, he answered, "Wala namang masama sa paghihintay."


Willing ba si Dennis Trillo na hintayin ang kanyang rumored girlfriend na si Jennylyn Mercado?

Umamin si Jennylyn kamakailan na gusto niyang ikasal in six years' time (by the year 2022).

Read: Jennylyn Mercado wants to get married six years from now

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis kung willing siyang hintayin si Jen for six years, sagot ng aktor, “Wala namang masama sa paghihintay.”

Si Jennylyn na ba ang babaeng gustong niyang hintayin talaga?

Natigilan muna si Dennis, pero nakangiti niyang sabi, “Basta walang problema sa paghihintay para sa akin.”

ON ANNE AND PAOLO. Nakausap ng PEP at ibang reporters si Dennis sa October 7press conference ng Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?, na ginanap sa Le Reve Events Place sa Quezon City.

Sa pelikula na ito, kasama ng Kapuso actor ang Kapamilya actress-TV host na si Anne Curtis at kapwa Kapuso talent na si Paolo Ballesteros.

Ang role ni Dennis ay isang lalaki na malapit nang ikasal ngunit pinaghihinalaan siya nina Anne at Paolo na isang bading.

Nakatulong ba na sina Anne at si Paolo ang co-stars niya sa movie na ito?

Sagot ni Dennis, “Nakatulong nang sobra-sobra kasi silang dalawa pa lang, sulit na ang pelikula at dinagdag pa nila ako.

“Napakasarap makatrabaho ang mga seryosong tao talaga at talagang nasa puso nila ang page-entertain.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN