Mark Anthony Fernandez transferred to district jail

IMAGE Courtesy of PNP Region 3 and Bam Alegre

Kasalukuyang nasa Angeles City District Jail na ang aktor na si Mark Anthony Fernandez kaugnay ng pagkakasabat ng isang kilong marijuana sa loob ng minamaneho nitong sports car.


Nailipat na ng kulungan si Mark Anthony Fernandez matapos dinggin ng korte ang inihaing mosyon ng kampo nito ngayong umaga ng Sabado, Oktubre 8.

Ayon sa ulat ni Bam Alegre ng GMA News, naihatid na ang aktor sa Angeles City District Jail mula sa dating piitan nito sa Angeles City Police Station 6.

Mark Anthony Fernandez has been transferred to the Angeles District Jail this morning. @gmanewsbreaking @dzbb pic.twitter.com/e8Y7SGz1h2

Kagabi, October 7, pa dumating ang commitment order para sa paglipat ni Mark Anthony, ngunit ipinagpaliban ito kinabukasan dahil gabi na raw.
Bandang 9 A.M. ngayong araw inilipat si Mark Anthony, na ngayon ay nakapiit sa Selda 8 ng Angeles District Jail.
Matatandaang nitong Huwebes, Oktubre 6, naurong ang dapat sana'y pagbasa ng pormal na sakdal na gaganapin sa Angeles City Regional Trial Court (AC-RTC) at Angeles City Municipal Trial Court (AC-MTC), kasunod ng paghain ng mosyon ng kampo ng aktor na suspendihin muna ang arraignment.
Kasabay na pinasa ng kampo ni Mark Anthony ang mosyon na mailipat siya sa Pampanga Provincial Jail mula sa Angeles City Police Station 6 Jail dahil masyado na raw masikip ang naturang kulungan para tumanggap ng mga bagong bilanggo.
Nahaharap ang aktor sa mga reklamong paglabag diumano sa tatlong sections ng Republic Act (RA) 9165 o An Act Instituting the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sinampahan din siya ng reklamong paglabag sa Revised Penal Code Article 151 o “simple disobedience on operation of checkpoint" dahil sa pagtakas niya diumano sa checkpoint sa MacArthur Highway sa Barangay Virgen delos Remedios.
Dahil dito, si Mark Anthony ay posibleng humarap sa habang buhay na pagkakabilanggo.
Ngayong hapon ay nakatakda namang dumalaw sa kanya ang half-sister niyang si Winwyn Marquez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN