Mark Herras grieves over the passing of foster father; remembers late loved ones

IMAGE @angelo_herras on Instagram

Mark Herras on late foster father: "Hindi ako handa, bigla ka na lang nang-iiwan."


Inalala ng Kapuso actor na si Mark Herras ang mga magagandang alaala niya kasama ang foster father na si Herminigildo Santos, na pumanaw kahapon ng umaga, Oktubre 7.

Ayon sa kanyang Instagram post, sinabi ng binata na dahan-dahang nadudurog ang kanyang loob sa isiping wala na ito.

“29 years kitang kasama pim... ikaw nagturo sakin nung nag-aaral ako... Ang pumalo sakin pag matigas ang ulo ko... inalagaan nyo ko ni daddy at ibinigay nyo sakin ang napakagandang buhay...

“Ang hirap pim nakikita kitang nakahiga ngayon.

“Nagpapakalakas ako pero dahan-0dahang nadudurog yung loob ko pag naiisip kong totoo ngang wala kna... Ang sakit pim...

“Ang bilis nyo naman akong iniwan," pagtukoy sa kanyang lola, Mama, at Daddy.

Sa kabilang banda, alam naman daw ni Mark masaya na ang kanyang amain sa kinalalagyan nito ngayon.

“Alam ko masaya k[a] na ngayon dahil magkakasama na kayong lahat sa taas.”

Humingi naman si Mark ng guidance sa kanyang pangalawang ama.

“Please guide me at bigyan nyo ko ng lakas ng loob para malagpasan to pim...

“Maraming maraming salamat po sa lahat Papapim... Mahal na mahal ko po kayo.”

Sa kanyang Instagram post kagabi, Oktubre 7, sinabi ni Mark na hindi pa siya handa sa biglaang pagpanaw ng kanyang Papa Pim.

Cardiac arrest ang naging sanhi ng pagkawala nito.

“I don't what to say pim... Hindi ako handa bigla ka nlng nangiwan...”

Bahagi ng mensahe ni Mark ay nagsasabing, "please say hi kay mamang,mama & daddy...

“I will miss you everyday! Love you pim! Maraming salamat po sa lahat...”

Kasunod nito ay ang pag-alala ng aktor sa pumanaw niyang Mamang, Mama, at Daddy Jun.

Saad ni Mark, “Mga taong malapit sa buhay ko... Mga nagalaga, nagpalaki at nagbigay sakin ng buhay...

“Maraming maraming salamat po sa lahat.... MAHAL na MAHAL ko kayong lahat... magkakasama na kayong lahat sa taas...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko pong gagabayan nyo po ako palage....

“Ma, daddy,mamang & Papapim.. it will never be the same na wala kayong lahat...”

Ang kanyang ina na si Jasmin Santos ay pumanaw nito lamang Abril dahil din sa cardiac arrest.

Ang kanyang Daddy Jun naman ay sumakabilang-buhay dahil sa diabetes noong 2014.

Nagbigay naman ng suporta ang girlfriend ni Mark na si Winwyn Marquez sa pamamagitan ng isang madamdaming Instagram post.

Saad nito, “I pray for tito hermi's soul who left us so early at biglaan ang nagalaga at tumayong tatay ni Mark at napamahal na din saakin ng sobra. Salamat sa lahat tito.”

Sa kanyang parte, may pinagdadaanan din ang dalaga. Isa na rito ang pagkakakulong ng kapatid niya sa ina na si Mark Anthony Fernandez.

Read: Winwyn Marquez prays for safety of half-brother Mark Anthony Fernandez: 'Sana matapos na lahat.'

Sa kabilang banda, sinabi ni Winwyn na narito siya para sa kasintahan.

Aniya, “You have me and i have you. We'll take care of each other.

“Sa isat isa lang tayo humuhugot ng lakas ngayon.

“Matutupad wish ni tito ga gagawin natin yun. I know everything will be okay...i love you so much,” pagtatapos nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN