Andrea Torres unapologetic for revealing outfits in Alyas Robin Hood

IMAGE From Instagram account of Andrea Torres

Andrea Torres shrugs off bashers' negative reactions to her sexy outfits in Alyas Robin Hood: "Kung noon apektado ako sa mga bashing, ngayon na-immune na ako. Kaya hindi na kailangan sagutin or patulan pa sila."


Hindi iniinda ng sexy Kapuso actress na si Andrea Torres ang pag-bash sa kanya ng ilang netizens dahil sa sexy outfits niya sa primetime teleserye ng GMA Network na Alyas Robin Hood.

Ang pinupuntirya ng ilang netizens ay ang sobrang pagpapa-sexy ni Andrea sa naturang teleserye bilang si Venus.

Halos lumuwa na raw ang malaking boobs ni Andrea sa mga suot nito.

Reklamo ng isang netizen, isipin daw sana ng aktres na may mga batang nanonood ng Alyas Robin Hood, at hindi raw tama na bigla na lang bubulaga si Andrea sa eksena na kakapiraso lang ang nagtatakip sa dibdib nito.

May ilang netizens din naman ang nagtanggol kay Andrea na okey lang ang mga suot nito dahil iyon daw ang character niya sa teleserye.

At may nakalagay naman daw na MTRCB advisory bago simulan ang pagpapalabas ng teleserye, kaya mababantayan naman daw ang mga menor de edad na manonood ng Alyas Robin Hood.

Para naman kay Andrea, ginagawa lang daw niya ang utos sa kanya ng kanilang direktor, at wala naman siyang nakikitang masama sa mga eksena niya.

CAN'T PLEASE EVERYONE. Nasanay na raw sa mga bashers si Andrea kaya hindi na niya ito binibigyan ng pansin dahil ayaw niyang maapektuhan ang trabaho niya ng mga komento nila.

Saad niya, “Sanayan na lang ‘yan, di ba?

“Hindi mo naman kayang i-please ang lahat ng mga tao, lalo na ang mga nasa social media.

“They will always find a way para pintasan ka.

“Naghahanap sila ng butas para lang meron silang mai-tweet or ma-post sa Facebook.

“Ang sa akin naman po, okey lang. Choice nila yun.”

Patuloy ni Andrea, “Kung noon apektado ako sa mga bashing, ngayon na-immune na ako.

“Kaya hindi na kailangan sagutin or patulan pa sila.

“Kung iyon ang nagpapasaya sa kanila, sino ba naman ako para hadlangan sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ako, nagtatrabaho ako nang tama at wala akong inaagrabyadong tao.

“Kung may nao-offend sa mga suot ko sa Alyas Robin Hood, pasensya na po dahil iyon po ang character ko sa teleserye.”

Present si Andrea sa ginanap na Thanksgiving Mass ng buong cast and crew ng Alyas Robin Hood noong October 6 sa GMA Network Center.

Nanguna ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa pagpapasalamat sa natamong mataas na ratings ng Alyas Robin Hood sa national ratings.

Naroon din ang executives ng GMA-7 at ang ilang cast members na sina Dennis Padilla, Rey “PJ” Abellana, Dave Bornea, Lindsay de Vera, Tanya Gomez, at ang kanilang direktor na si Dominic Zapata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN