Julie Anne San Jose reveals her inspiration for more meaningful 'hugot' songs

IMAGE Noel Orsal

Julie Anne San Jose (shown with Benjamin Alves) waxes cryptic about how she feels more inspired to write more meaningful songs nowadays because of "a new and better beginning" and "a new and better relationship: "Parang may mga makikilala tayong tao, tapos parang hindi naman natin inaasahan na ma-fall tayo sa taong yun. It's telling someone, 'Na-hurt ako before pero ayaw ko naman mangyari yung nangyari sa 'kin dati, so sana mag-work 'to.'"


Dahil sobrang inspired ngayon si Julie Anne San Jose, mas may malalim na meaning ang mga kantang isinusulat niya.

Kung noon daw ay humuhugot siya ng emosyon mula sa kuwento ng kanyang mga kaibigan, ngayon ay may sariling hugot na siya dahil may kulay na rin ang kanyang personal na buhay.

Mas totoo raw ngayon dahil galing na ang lahat ng isinusulat niya sa sariling karanasan.

Kuwento ni Julie Anne, “Yung mga friends ko, meron kaming online messaging group, tapos nagra-rant lang sila ng experiences nila, and that time, may same experience din ako, so I think that inspired me to write the song.

“We meet people sa sobrang unexpected place and time.

“It’s about someone na ayaw na magkaroon ng relationship kasi ang sakit na and parang she’s scared din of commitment.

“Pero siyempre, hindi mo rin talaga maiiwasan, di ba?

“Parang may mga makikilala tayong tao, tapos parang hindi naman natin inaasahan na ma-fall tayo sa taong yun.

“It’s telling someone, 'Na-hurt ako before pero ayaw ko naman mangyari yung nangyari sa ‘kin dati, so sana mag-work ‘to.’

“It’s about a new and better beginning, a new and better relationship.”

Kahit hindi diretsahang binanggit, masasabing ang tinutukoy ni Julie Anne na kanyang “new and better relationship” ay ang pausbong na relasyon nila ni Benjamin Alves.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN